IN SEARCH
CHAPTER 53 -- Puzzle Piece
Masakit isipin na hindi sa bawat
pagkakataon, pagmamahal din ang isusukli sayo ng taong mahal mo. Madalas din sa
buhay… Kung sino pa ang mahal mo, sila pa ang makakagwa ng mga bagay na
ikasasakit ng puso mo…
“Minahal
naman kita eh… Hanggang ngayon mahal pa rin kita… But I don’t deserve you….
Masyado kang mabait para sakin… Ang dami ko nang nagawa sayong katarantaduhan pero ni hindi mo
nga yata nagawang magalit eh, despite of that, lalo mong pinakitang di mo ko
ako kayang bitiwan and I really admired you more because of that… Kaya lalo
akong nagalit sa sarili ko… Pero wala eh… nagawa ko na… Nasaktan na kita… Mahal
ka kasi ni Zeke… Mahal ka ng bestfriend ko… Kaya nagawa kong magparaya…”
Hawak niya pa rin
yung kamay ko…
Umiiyak na din
siya… Ganun din ba siya nasaktan?
Hinawakan niya ako
sa dalawang balikat ko…
“Nagawa
kong magparaya… kaya nagawa kong magpanggap na di kita gusto… Na kapatid lang
ang turing ko sayo… Pero Anne… MAHAL KITA! MAHAL TALAGA KITA!!! Pero nagawa ko
pa ring gawin yun kahit alam kong nasasaktan ka na…”
Nagparaya?
Nagpanggap?
I can’t utter
anymore words… Di lang puso ko ang naguguluhan… Pati utak ko…
Ang sakit sakit
na…
Di pa rin ako
kumikibo…
“Pero
alam mo… Mas mahal ka ng bestfriend mo… At kahit kailan di ko kayang higitan o
tumbasan man lang yun… Ganun ka nya kamahal kaya nagawa nyang itago yun kahit
nasasaktan na pala siya dahil alam niya mas sasaya ka sa akin…”
Ngayon si Gelo
naman?!
Ang bagal ng utak
ko… Ayaw na nga niyang magprocess eh… Hindi na kinaya… Too much information… So
many zipped files were opened that clashed inside my head affecting my heart… Kung
may sarili lang na bibig ‘to, kanina pa siguro ‘to nagsisigaw ng “I-reformat nyo na ko please! Gusto ko na
mabura lahat ng alaala ko! Kahit isa wag kayong magtira kung kahit pangalan ko
ipapaalala sakin yung sakit na naidulot niya…”
OA much?! Damn
martyr me!
Wala kayong
magagawa kung gusto ko magdrama ngayon…
Aaaarghhhh!!!
Patuloy lang sa
pagdaloy yung luha ko…
Hinawakan ni Jared
yung pisngi ko sabay pinunasan yung luha ko gamit yung thumb niya…
Ayoko nang mahulog
sa patibong mo Jared! I’m so fed up with you… Hanggang kailan mo ako balak
paglaruan??? Mahal mo ko pero kung kani-kanino mo ‘ko tinataboy! I hate you!
Hinawi ko yung
kamay niya sa mukha ko…
“Ano??!
May sasabihin ka pa?!”
Sinuntok suntok ko ulit siya sa dibdib nya… “Jared!
Ang tanga-tanga mo! Bwiset ka! Walangya ka! I HATE Y~~”
Pinatahimik nya na
lang ako…
Ng halik nya…
Jared’s my first
kiss…
But he also was my
first heart break…
Slow…
Passionate…
Gentle…
It feels like
heaven…
I wanted to stay
longer like this…
I can’t even
resist coz I’m cherishing the moment…
But the way he’s
torturing my heart…
It kills me…
It’s a torment
that I could not even escape…
I’m in hell…
Lalo nya akong
sinasaktan…
*slap*
Tapos tuluyan na
akong tumakbo…
Sa pagtakbo ko…
May nahulog na kung ano na ramdam kong dumulas sa kamay ko…
Yung chain?...
Pinulot ko kaagad
at sa di inaasahang pagkakataon…
Nabasa ko na ang
nakasulat… nalaman ko na kung ano ang gusto kong malaman…
Yung puzzle na
kadugtong nung sa akin… ~~ I’m your
missing piece
Pero huli na ang
lahat…
This
is what’s written on Jared’s puzzle.
You
complete me...
You already had your missing piece but
you’ve thrown it away… Only if you search you will find… But if you’ve thrown
it away a bit too far… This missing piece will never be found again to make
your puzzle complete…
JARED’s POV
“………
I HATE Y~~…” Bago nya pa
tapusin yung sasabihin nya… Hinalikan ko siya…
Totoo yung
nararamdaman ko para sa kanya at masakit para sakin ang nasasaktan ko siya.
…
…
…
Sinampal nya ako.
Dapat lang sakin. Gin@g* ko siya eh.
Di ko na napigilan
nung tumakbo siya…
“Ang
tanga ko dahil pinahiram kita!”
I’m down on my
knees… ang dami kong katangahang ginawa…
Ang bobo ko! Ang
bobo bobo ko!!!
T@ng@! G@g*!
My memories just
turned into flash…. Naalala ko bigla yung mga nangyari noon…
FLASHBACK
1
Message
Received
Pre, tiglan na natin ‘to.
--Zeke
Di ko alam kung
bakit ganun yung text ni Zeke.
Kaya pinuntahan ko
na lang siya sa room…
“Jared… tigilan na natin to…”
Nakita ko na lang si Zeke na nakatayo sa may gilid
ng classroom. Patay yung mga ilaw. Tanging yung mga ilaw na lang mula sa gym
yung nagsisilbing ilaw namin. Di ko makita yung expression ng mukha nya… Pero
malamang galit siya…
“Ano bang problema mo zeke?!”
“Ikaw! Ikaw ang problema ko! Pare! Wag
na tayong maglokohan… alam ko namang alam mo na may gusto ako kay Anne diba?
Pero bakit ginawa mo paring taluhin ako? pare! Matagal mo nang alam! Pero anong
ginawa mo?”
“Anong magagawa ko? Eh matagal ko na
siyang gusto? Malay ko bang itutuloy mo?”
Nagkakataasan na kami ng boses. Malayo kami sa
isa’t isa kaya gustuhin ko mang suntukin siya dahil sa galit ko, hindi ko
magawa…
“Matagal mo nang gusto? Ibig sabihin
matagal mo na akong niloloko? Matagal ka nang nagpapanggap na wala kang ibang gusto at sa
dinami-rami… yung taong gusto ko rin ang gugustuhin mo?!” Tama siya…
Hindi ko nagawang magsabi sa kanya… Kasalanan ko kung bakit kami ganito ngayon…
“Hindi ko na pinaalam sayo kasi alam
ko wala na. Wala na akong masasaktan! Ang dami mong pinopormahan. At ni wala ka
ngang pasintabi na siya na ulit ang gusto mo! Wala na ba akong karapatang
magkagusto?! Lagi na lang ba akong magsisilbing tagapakinig mo at tagapagpaubaya
sayo?! Hindi ba pwedeng ako naman ang pakinggan at pagbigyan mo ngayon ha ZEKE!”
Unti-unti siyang lumapit sakin…
Pagkalapit na pagkalapit niya sakin. Sinuntok niya
ako. Wala akong balak gumanti pero punong puno na ako eh. Ayoko nang
magpakabait! Di naman ako santo eh! Lagi na lang kasi ako ang nawawalan.
Nagsuntukan na nga kami. Bago pa ko makapangatlo
sa kanya…
Hinawakan na niya ako sa kwelyo kong ng dalawang
kamay niya…
“JARED! Sana mas maaga! Sana lang una pa
lang sinabi mo na! handa naman akong magparaya sayo eh. Alam ko namang kahit
nung mga bata pa tayo ako na lang laging iniintindi mo! Wala ka bang tiwala
sakin?! Ano bang malay ko sa nararamdaman mo kung tulad ka pa rin nang dati na
masikreto?! Sana sinabi mo agad para hindi na ako lalong nagpahulog sa kanya!
Nahulog na ko sa kanya pero nasalo mo na siya!” Bigla na lang siyang napaluhod…
“Jared… Give me a chance… Gusto kong
maramdaman niya na hindi lang ikaw ang pwede niyang magustuhan… Na matagal ko
na siyang gusto at ngayon mahal ko na siya… Jared patawarin mo ko kung
nagdadamot na naman ako. Natapakan mo ang ego ko at gusto ko lang bawiin yun…”
“ZEKE NAMAN! Wag mo akong papiliin…
Mahal ko na rin si Anne pero ayaw kitang masaktan! Kaibigan kita!”
“Papatunayan ko lang…
…
…
Ibabalik ko din siya sayo…”
Umalis na ako sa room… Parang wala na ako sa
tamang huwisyo ko… Naguguluhan na ko… Kung nagstay pa ako. baka hindi lang
pangatlong suntok ang matikman niya sakin…
Pagbukas ko sa pinto… si Gelo ang tumambad sakin.
Narinig kaya nya lahat???
Lumipas ang ilang araw di ko pa rin alam kung
anong gagawin ko…
Napayuhan na ako ni Gelo at umamin siyang matagal
na rin siyang may gusto kay Anne… (nung
time na naglasing ako at si Gelo yung dumamay sakin… Nakatulog nga ako pero
narinig ko lahat nung sinabi nya bago ako natuluyang pumasok sa mundo ng mga
panaginip…)
Lalong
gumugulo ang sitwasyon...
Tiniis kong itext si Anne… Kahit tawag o missed
call wala…
Dumating sa point na di ko na talaga chinarge yung
phone ko kasi ayokong mabasa pa yung mga text nya…
Pasko na…
Kasama namin si Zeke… Dito naman kasi siya laging
nagpapasko samin eh.
Nalulungkot kasi siya kapag siya lang mag-isa…
Umaalis kasi yung mga kasambahay nila kapag magpapasko at bagong taon eh…Sina
tita hindi naman nakakauwi… Mga relatives naman nya dito dumadalaw, a day after
ng Christmas and/or New Year…
Magkikita na naman kami…
Ano nang gagawin ko?
After ng noche Buena… Siyempre nag bukasan na kami
ng gifts para sa isa’t isa… Pero nung regalo na ni Zeke para sakin ang bubuksan
ko…
“Pre… Tara inom tayo. Dun mo na lang din
yan buksan…”
Pumunta na lang kami sa may veranda ng kwarto ko…
Tatlong red horse mucho yung nakalatag tapos
dalawang malaking Marty’s pang pulutan…
Kuya Jed: Oh?! Bakit kayo lang
mag-iinom? Sali ako!
Buti na lang madaling malasing si Kuya kaya
pumunta na ulit siya sa kwarto niya..
Malamang may sasabihin si Zeke kaya niyaya niya
ako dito…
Uminom siya bigla ng 3 baso ng red horse sabay
kain ng martys tapos 3 baso pa ulit… Sunod sunod yun… Parang nakaka dalawa pa lang
ako siya naka-anim na…
Z: “Aaaah! Sige pre… buksan mo na…”
Eh di binuksan ko na nga yung regalo niya…
Nakalagay dun yung laruang eroplano na binigay ko
na lang sa kanya noon… Yung muntik pa naming pag-awayan…
“Bakit mo binabalik ‘to?’
“Gusto kong kalimutan mo nang naging
bestfriend mo ko…”
“Bakit?”
“Ayokong may pagsisihan pa ako sa
susunod na favor na gagawin ko sayo eh… *hik*”
“Ano na naman yun?”
“Gusto kong ligawan si Anne… *hik* Pero
pare… Wag ka na munang masyadong dumikit sa kanya… *hik* Hangga’t maaari iwasan
mo.. Kasi *hik* ikaw na naman ang mapapansin niya eh… *hik*…”
Di ako makaimik…
Nilaklak ko yung natitira sa bote…. Marami rami na
rin yun kaya may amats na yata ako…
Hinatak ko siya sa kinauupuan niya sabay sinuntok…
Nauwi na naman kami sa suntukan…
After namin mapadugo yung mga labi ng isa’t isa
bigla na lang kaming humiga at tumawa ng tumawa… akala mo mga baliw lang…
J: “Imba ka pre! Ang kapal talaga ng
mukha mo!”
Z: “Desperado na ko eh…”
“Anong gagawin mo pag lumayo ako?”
“Eh di liligawan ko… Kapag di niya
talaga ako nagustuhan… Eh di ibabalik ko sayo…”
Napabangon ako sa kinahihigaan ko…
“Ano?! Tulad ng ginawa mo sa
eroplanong ‘to?!!” Binato ko sa
kanya yung laruan…
Inuupuan ko siya habang nakahiga pa siya sa sahig
sabay hinila ko siya sa kwelyo niya…
“Hindi laruan si Anne! Tandaan mo
yan!” Nakaamba na akong susuntukin ko siya pero
pinigilan niya yung kamay ko…
“Wag na yung mukha ko pre *hik*… Gusto
ko lang naman siyang hiramin sayo eh… Pero hindi ko siya paglalaruan… Kasi…
*hik* mahal ko siya eh…”
“Eh g**o ka pala eh! Hindi nga siya
laruan para ipahiram!”
Susuntukin ko na siya pero this time hindi na nya
ako pinigilan kundi nakatitig na lang siya sakin… kaya sa sahig na lang ako
napasuntok…
“Jared… Naiinggit kasi ako sayo eh… Ikaw
kasi ang gusto niya… kahit anong gawin ko hindi niya ako makita… Kailangan ko
pang magkaron ng codename para maappreciate nya na may gusto ako sa kanya…
Pare… mahal ko naman siya eh… pero bakit ikaw lang ang minamahal niya???”
Tumutulo na yung luha niya… halatang desperado na
talaga siya…
Binitiwan ko na siya…
“Pahiram ako Jared… Ibabalik ko din
naman eh…” tuloy tuloy na yung daloy ng luha
sa mata niya…
Parang naalala ko ulit yung panahon na hinihiram
niya yung laruang eroplano sakin… Dun kasi sa eroplanong yun naaalala niya yung
mga magulang niyang nasa ibang bansa…
“Bago ako umalis ibabalik ko siya…”
Para akong kinadena sa pwesto ko… Umiral na naman
yung pagiging attention seeker nya… na wala akong magawa kundi pagbigyan siya
kasi naiintindihan ko yung selos na nararamdaman niya sa tuwing pinagkakait sa
kanya yung gusto niya… Feeling niya kasi walang nagmamahal sa kanya…
Tumayo na ako at iniwan ko na lang siya dun na
nakahiga sa sahig… Ako, bumalik na sa kama ko…
Aaaaaaaahhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!
End of flashback
Kaya ang hirap pumili eh… Pareho ko lang silang
nasasaktan at masasaktan…
But the damage has been done…
HTML Comment Box is loading comments...
|