IN SEARCH
CHAPTER 50 -- Prom Night
JARED’s POV
Nasabi ko yun para
tumigil na siya sa kahibangan nya… Pero I doubt kung gagawin ko nga…
Tumayo na rin siya
tapos nagpasalamat sakin… Akala ko tapos na kaya lang biglang lumabas ng room
si Anne tapos tinawag nya…
Z:
“ANNE!”
Anak ng tinapa
naman!
A:
“Bakit?”
Z: “May
sasabihin daw sayo si Jared. Sige, alis na ko..”
Damn! Pano ko
aalis nito?
J:
“Ah hi lil sis..”
A:
“Hey kuya! Bakit?”
J:
“Ah… Ano… Kasi… May prom date ka na ba?”
A:
“Ako? Wala pa. Uhmm.. Bakit?”
J:
“Pwede ako na lang?” Geez… Problema na naman ‘tong pinasok ko…
A:
“Ah.. Ano… Baka magalit yung partner mo?”
J:
“Sino? Si Joyce? Di daw siya makakaattend eh…”
ANNE’s POV
Tsk… Ano yun? Reserba
ako? dahil sa wala si Joyce at wala siyang makapartner kaya ako yung napili
nya? Dahil ba alam niyang hindi ko siya tatanggihan kasi alam niya yung
nararamdaman ko para sa kanya?! Bwiseet!
“Sige
na Anne… Gusto ko namang makapartner ang lil sis ko sa prom. Baka eto na kasi
yung last eh..”
“Huh?!
Last?”
“Ah
wala yun… Ano? Payag ka ba?”
Tumango na lang
ako…
Kainis! Bakit
hindi ko magawang tanggihan siya? Jared!!! Naiinis na talaga ako sayo!!! Ang
epal mo! Nakakainis ka kasi di ko magawang kalimutan ka!!!
Sa madaling
salita… Ako na nga ang promdate nya…
Di ko alam kung
tatalon ba ako sa tuwa o ano… Kasi alam ko na namang hindi na kami mag M.U.
kasi nga lil sis na lang nya ako.. Pero umaasa pa rin ako na sana magbago yung
isip niya at bawiin nya yung sinabi nya noon… at sabihing… ‘Anne… nagkamali
ako.. hindi lang pala kapatid ang turing ko sayo,, dahil Anne, mahal kita,
hindi bilang isang kapatid kundi bilang isang bahagi ng buhay ko na kukumpleto
sa buong pagkatao ko…’ Ang sweet sanang isipin yung ganon…
Sana nga totoo…
sana hindi lang pantasya kundi totoo…
Sakto namang
paglingon ko sa kanya… hawak niya yung phone nya at nakita ko ulit yung puzzle
na cellphone chain… Kala ko ba may nang-arbor sa kanya? Ibig sabihin hindi
totoo na pinaarbor nya… Ano bay an?! Sinungaling!
Pero aminin mo
Anne… pumalakpak ang tenga at nagsparkle ang mata mo sa nakita mo!
Eh di hindi nga
malabong hindi rin totoo yung sinabi nya sakin noon sa may locker area… May
pag-asa na ba ako?
Napatingin ako sa
kanya sabay ngiti… Di ko mapigilan eh… ^________^
“Tara
na Anne… Pasok na tayo sa room…”
Waaah… Feeling ko
nagkakaron ako ng maliwanag na pangitain… ^___________________________^
………………………………………
………………………………
………………………
………………
………
……
…
“Mommy…
Maganda na ba ko?”
“Kelan
ka ba hindi naging maganda? Ikaw talaga…”
“Syempre
ikaw ang nag-ayos sakin… ^___^”
Niyakap ako ni
mommy… Tsss… akala mo naman ikakasal ako… Haha!!! Wala lang… ang saya lang ng
feeling ko kasi kagabi magkatext kami ni Kuya Jared… Teka? Dapat ko pa rin ba
siyang tawaging kuya? Haha!!! Aiyee… assuming na naman ako… So ayun nga…
magkatext kami kagabi… wala lang… para lang i-assure na susunduin nya ako sa
prom night… Na ako talaga ang prom date nya… ^^
Oha oha!
At eto nga ngayon…
ang ganda-ganda ko talaga… tube type yung gown ko tapos knee-length na mejo
pa-balloon ung skirt,color red. Sabi ko nga kay Jared mag red na neck tie siya
para naman complement yung suot namin eh.
At dahil nga sa
maikli na ang buhok ko… hindi na matutupad yung pangarap kong big curls noon,
last year kasi nakataas yung buhok ko eh… kaya nga pala ako nagpahaba ng buhok
para dito kaya lang nalimutan ko eh… pero ayos lang kasi feeling ko mas cute
ako sa itsura ko ngayon… Nakakulot pa rin ako pero yung parang mejo maliliit na
waves na lang… ^^ basta.. ang hirap i-explain eh… tapos naka-clip lang yung
buhok ko… ^^
*knock knock*
“Anne?...”
“Oh
anak nandito na pala si Gelo… Bukas yan..”
“Good
evening po mamsi… Si Anne po?”
“Ui!
GELO!!!” Niyakap ko siya…
Na-miss ko eh… Kasi naman… after kaya nung walk-out ko di na kami ulit
nagpansinan. Di na rin nya ako binisita dito. Kapag pumupunta naman sila nina
mommy V di nya ko pinapansin… Diba ang sama… XP … Kaya ayun… sobra ko talaga
siyang na-miss.
“Sige,
maiwan ko muna kayo. Tawagin na lang kita kapag nanjan na yung sundo mo…”
“Sige
po.. Thanks po ulit mommy…”
“Sige
po mamsi…”
Lumabas na si
mommy ng kwarto at kami na lang ni Gelo ang natira dito…
“Gelo…
Sorry ha…”
“Sira
ka talaga. Ako nga ang dapat na mag-sorry sayo sa mga pinagsasabi ko eh… Sorry
ah…” Niyakap niya ulit ako… “Oh… Wag kang iiyak ah… masisira yang make-up mo..”
“Opo… Hindi na po iiyak..” Pero sa totoo lang nangingilid na talaga
yung luha ko…
Kumalas na siya sa pagkakayakap sakin… “Ang pogi natin ngayon
ah…” Tapos sinuntok ko siya sa dibdib…
Lagi naman siyang pogi eh.. pero ngayon kasi naka white na
long sleeves na polo siya tapos naka vest… Kung tutuusin parang pang waiter
yung suot nya.. pero dahil sa bestfriend ko yung nagdadala ng damit, syempre ang
bongga ng dating… ^^ tapos nakasilip pa yung white sando niya… bukas kasi yung
2 buttons nya eh… tapos nakatupi yung sleeves hanggang siko… SIYA NA MAGALING
MANAMIT! ^^
“Nga
pala… Matagal ko nang gustong ibigay sayo ‘to eh…”
May inabot ulit
siyang heart shaped na origami sakin… Mr. Guess Who?
Binasa ko yung
nakalagay sa loob…
‘This heart only belongs to someone special…
Blame me if I’m coward…
But I can only make you see me…
If only you can turn around…
Open your eyes…
And take your final step towards me…’
--I’m not yet done… but surely preparing for my final vow… JE--
Aba! Hindi na
three lines ah… nag-improve si Mr. Guess Who.
This time it
wasn’t anonymous… But it was surely from the same person as before… Mr. Guess
Who’s JE…
“Huy
Anne!”
“Ah…
Ano nga ulit yun?”
“Ako
naman may ibibigay sayo. Pinabibigay sayo ni mama… Talikod ka…” Tapos may sinusuot siyang silver necklace
sakin.. Na may heart na pendant… Waah… ang ganda…
“Galing
ba talaga kay mommy V o sayo?”
“Ah…
ano… ako yung bumili tapos kasama ko siyang pumili…”
“Salamat…
^^ Eh ano namang okasyon? Layo pa ng birthday ko eh… Ako nga yata dapat
magbigay sayo ng gift kasi di pa kita naregaluhan nung birthday mo eh…”
“Ok
lang yun… ^^ Uhm… Let’s say… peace offering ko yan… ^^”
“Aba!
Himala! Ngayon mo lang ginawa ‘to ah.. ^^ sana pala lagi na lang tayong
mag-away para lagi akong may gift noh?...”
“Haha!
Abusado ka…” Ayan… nakotongan
tuloy ako,…
“Sino
nga pala promdate mo?”
“Ako?
Wala.. wala naman akong niyaya eh..”
“Tsss…
Abnormal ka talaga.. Last na ‘to oh.. bakit di mo pa nilubos?”
“Kuntento
na ko sa naging partner na kita last year. Alam ko namang partner mo siya
ngayon eh.. Sana lang wag ka na ulit umiyak dahil sa kanya… Dahil baka mamaya
hindi ko alam kung anong magawa ko sa kanya kapag pinaiyak ka nanaman niya…”
“Gelo
naman eh… Nagiging overprotective ka na naman…This time I’ll make it sure na
hindi na mangyayari yun… Tsaka meron akong nakikitang pag-asa ngayon kaya
please… help me… Moral support lang naman eh…”
“Kung
yan talaga ang gusto mo… Basta ako nandito lang kung kailangan mo ako…”
“Anne!!!
Nandito na si Jared…”
“Opo...
Pababa na po…”
Bumaba na kami ni
Gelo…
“Sige
Anne.. Una na ko… Ingat..”
“Ui…
di ka ba sasabay samin?”
“Sira
ka ba?” Oo nga naman noh? Date
nga pala ako ni Jared ngayon… Nakoo Anne.. Mag-isip ka nga…
Sa madaling
salita… Umalis na nga si Gelo dala yung motor nya, ako naman kasama ko na si
Jared sa loob ng sasakyan nila… BTW, may kasama siyang driver kaya magkatabi
kami ngayon sa likod. >_<
“HUY!!!
Para san naman yan?!!” Pinicturan
kasi ako eh… di pa naman ako handa…
“Eh
ang ganda kasi ng lil sis ko eh… Eto para sayo…” May binigay siya saking bouquet of white roses… Tsss… Lil sis
pa rin? Naman kasi… Ang hilig kong mag-assume… wag muna nga… mahirap na…
“Salamat…
Big bro? Kuya? Ano bang gusto mong itawag ko sayo?”
“Ikaw…
Kung ano mas gusto mo?” Wala
sa mga yun yung gusto ko eh… :’(
“Sige,
kuya na lang ulit…” Tapos
tinap nya yung ulo ko…
Nagulat ako nung
bigla siyang umakbay sakin…
“1…2…3…
Smile…” *click* “Sigurado akong ikaw ang pinakamaganda sa lahat mamaya…”
Na-flatter ako
masyado… di ko alam kung ano ang gagawin ko? Para akong naiiyak na ewan…
namimiss ko kasi yung dati… yung dating kami… yung dating Jared na crush ko
lang… yung dating Jared na komportable ako… yung dating Jared na sa lahat ng
bagay pinapasaya ako…
“Ah…
Salamat… *sniff* teka, napuwing yata ako.”
Tsss… palusot ko na naman…
“Gusto
mo hipan ko?”
“Wag
na.. Mawawala din ‘to…”
“Sige…
Ipikit mo muna…”
At sana sa
pagdilat ko, bumalik sa dati ang lahat… Makukuntento na ko kung ano tayo noon…
……………………………
……………………
……………
……
…
Malapit lang naman
yung venue eh… sa school lang din naman kasi ginawa. Sa may gym kaya, ilang
saglit lang nandun na kami…
Dumilat na ko…
Imposible…
Di ko na
maibabalik ang nakaraan…
Hep! Tama na
drama… Kainis! Drama masyado eh dapat nga magsaya kasi prom ‘to… ^^
Pababa na kami ng
sasakyan…
“Ahh..
kasi.. ano… ganyan lang ba talaga yang damit mo? Hindi mo ba ibubutones?”
Naka red na long
sleeves lang kasi siya. Naka black suit din naman kaya lang yung polo nya sa
loob eh naka unbutton hanggang sa may chest… na- seseduce ako… hahaha!!! I
mean… Kasi kahit nakikita ko na siya dati pa sa practice room nila na naka
sando lang, iba yung ngayon kasi mas hot siya tignan. Parang mas lalo siyang
gumwapo. Isipin mo, formal attire tapos ganun… pero hindi gangster yung effect
eh… basta iba… decent pa rin… mala Edward Cullen yung impact sakin…
“Eto
ba? Haha!! Style ‘to… ^^” Yan…
barado ako… kasi.. nangingialam pa ng fashion ng may fashion eh… tsk..
“Ah…
akala ko naiinitan ka lang kanina…^^”
Corny ko… haha!
Nauna siyang
bumaba sa kotse tapos siya yung nag-alalay sakin pababa…
Yung heartbeat ko
ang bilis… tapos ewan ko ba kasi yung tummy ko… parang may kung anong gumagalaw
sa loob… parang may butterflies…. Ano kayang mangyayari mamaya na ikasusurprise
ko?
My gulay!
Kinakabahan ako… ^___^
Kinakabahan ako sa
tuwa.. kasi naman magka-link yung arms namen papunta sa loob… At red carpet pa
nga yung dinaanan namin. Ngayon ko lang napansin na terno pala kami… Red gown
tapos red long sleeves… haha… ^^
Nakaupo na kami…
ilang minutes na lang mag-uumpisa na. Si Gelo nakahiwalay samin. Kasi nga diba…
Galit pa rin siya kay Jared… Ang kasama ko tuloy ngayon eh yung ibang mga
ka-crew nya tapos yung mga dates nila. Si Leah nasa ibang seat din. Totoo nga
yung sinabi ni Jared na hindi makakaattend si Joyce, sabi kasi nung mga
kaibigan nya na kakwentuhan ko ngayon, nag-aayos daw siya ng papers simula pa
nung Monday kasi magma-migrate na sila sa States.
Yung mga tropa ko
naman sama-sama sa isang table… Kasama nila dun si Gelo. Tapos yung band
members naman, as usual paalis-alis na naman yan sa pwesto mamaya kasi tutugtog
sila.
JARED’s POV
Ilang sandali pa
at nag-umpisa na yung program… Pagkatapos ng cotillion, nagkainan na at
nag-umpisa na ang sayawan…
Yayayain ko na
sanang sumayaw si Anne kaya lang may nauna sakin…
Si Gelo…
Bigla na lang
nyang hinatak si Anne… Gusto ko sanang ako ang maging first dance nya… tsss…
Alam ko namang
hanggang ngayon may galit pa din si Gelo sakin.
Naiintindihan ko
naman siya eh… Sa ginawa ko sa bestfriend nya. Dapat lang sakin yun…
Hindi ko maisayaw
si Anne… Hindi kasi siya nababakante eh… lagi na lang may nagyayaya sa kanya…
Siguro sa last dance na lang…
1
Message
Received
Sender:
Zeke Ungas
0923*******
Pare!
Happy birthday nga pala. Ang sma q tlgang kaibigan. pati yun nakalimutan q. at
mukhang aq p ang sisira ng araw mo. Salamat s lahat. ang damot q no? alm q nmng
sanay k n s ugali q eh. Pnagsisihan mo cgurong ngng bestfriend mo q? ok lng un.
Dpt lng nmn eh. Kc makasarili aq. Bsta ikw n ang bhla mmya. Alam mo n un. cguro
pgktpos n2, pwde mo n akong ituring n kaaway mo. SORRY…
…………………………………………………………………
JARED!!! Ano pa
bang pwedeng itawag sayo? Bobo? Tanga? G**o? Stupid? Dawmn! Lahat na lang…
Could somebody
slap me on my face para naman matauhan ako?! Di ko na alam ang susundin ko…
Kung yung tinitibok ng puso ko o yung sinasabi ng konsensya ko…
Bakit ba kasi
lahat ng bagay may consequences? Bakit kelangan palaging may pagpipilian? Diba
pwedeng isa na lang?
Birthday ko pala
ngayon? Wala man lang nakaalala kundi si Zeke?
ANNE’s POV
Ako ang date ni
Jared pero hindi pa rin nya ako naisasayaw…
Baka nahihiya lang
siyang yayain ako… pero ayos lang… wala pa rin naman siyang naisasayaw eh.
Sabagay… pagod na
rin ako… Loko loko kasi yung mga ka-staff ko eh… Pagkatapos akong kunin kay
Gelo habang kasayaw ko pa, pinagpasapasahan na ko hanggang sa matapos yung
tatlong kanta… mga adeek nga naman…
Tsss…. Akala ko
tapos na… kakaupo ko pa lang may nagyaya na naman sakin… Si Luigi… Yung ka-crew
ni Jared…
L: “Anne… May
nakapagsabi na ba sayong ang ganda mo ngayon?”
A:
“Oo… at pang isang daan ka na yata sa mga yun…”
Napakamot siya sa
ulo nya…. Hahaha! Umiral ang pagka feeler ko… ^^
A: “Haha!
Joke lang…”
Ngumiti lang siya…
Sandali lang kaming nagsayaw kasi biglang lumapit samin si Ken tapos inagaw ako
kay Luigi eh… Nagpaalam naman siya ng maayos…
“Huy
KEN! Himala!”
“Ano namang himala dun?” Lalong naniningkit yung mata nya kapag
nagsusuplado. Hha! CUTE!!!
“Wala
lang… kasi sinasayaw mo ko eh.”
“Normal naman yun ah. Prom naman eh…”
“Sabi
ko nga… Suplado mo talaga…”
“Hindi naman… sayo lang… ^^” Nagsmile siya ng nakakaloko! Kainis! Ang
cute nung eyes nya parang linya na lang eh… ^^
“At
natututo ka nang mambara ngayon ah?”
“May pinagmanahan eh…”
Phil: “Uhm.. excuse me… Pwede ko ba
siyang mahiram sayo?”
Naman! Mga trip
talaga ng mga ‘to oh… ayaw niyo ba akong paupuin?
Ilang sandali pa,
si Mike naman yung sumunod…
Ganito ang trip ng
mga lalaki dito… hindi pa naihahatid yung babae sa upuan, may kasunod agad na
magyayayang magsayaw…
Sa totoo lang
pagod na talaga ako eh…
Ralph: “Pwede ako naman?”
A:
“Haha!!! Ang adik nyo?! Ikaw ba nasayaw mo na si Cheska? Baka magalit yun…”
“Naman! Ako pa?! First dance namin ang
isa’t isa eh.. ^^”
“Tsss…
Kelan mo ba balak ligawan?”
“Ligawan? Matagal nang kami.”
“Oh??!!!
Kelan pa?”
“Ang ingay mo naman! Nung Monday pa…
Haha! Tara na nga…”
Aba! Di ko alam
yun ah?! Cheska talaga… Kelan pa yun natutong maglihim sakin??.. ahahah!!!
Yess!!! Sa wakas!
Makakaupo na rin ako…
Teka… Eh papunta
to sa backstage eh…
“Ui..
san tayo?”
“Napag-utusan lang ako. sumunod ka na
lang ^^..”
HTML Comment Box is loading comments...
|