IN SEARCH
CHAPTER 38--
Guess Who?
Nag-motor na kami ni Gelo papasok since malelate na nga kami kung
maglalakad pa kami. Pagkadiretso namin sa classroom, sakto namang kasabay namin
si Ms. Luna at nag-discuss na siya kaagad. Hindi ko na tuloy natanong sa kanya
kung paano nangyari yun…
Kung si Jared kaya tanungin ko? Katabi ko naman eh. Kaya lang pano?
Nakakahiya…
“Hey! Chibi. Ano? Musta?” Ayan ka nanaman… Tikom tikom ang
ngiti… kasi natutunaw ako eh… natutunaw ako sa kahihiyan eh… mukhang alam ko na
ang nangyari… ^^
Tumingin lang ako sa kanya at binigyan ko siya ng isang weirdong
ngiti… as in super weird… super wide smile…
“Anong klaseng ngiti yan? Umayos ka nga… ang sagwa eh.” Bigla namang
naiba yung itsura ko… I should know kasi nainis lang naman ako sa sinabi nya…
Sagwa daw? Cute nga eh…
“Ms. Javier, answer number 2 on the board.”
Unfair!
Bakit ako ang tinawag at hindi si Jared? Siya ‘tong madaldal eh… Hmph… Kala mo
hindi ako prepared noh?... Prepared yata to… ahaha…
JARED’s
POV
“Kasi… Mahal kita…” Whew! Sa wakas! Nasabi ko rin… nabawasan na ko
ng tinik sa dibdib ko… Natatakot akong makita yung reaksyon nya… natatakot ako
kasi baka iwasan nya ko…
“Anne… Anne…” Hala! Nagalit yata… “Anne…
Ui… Galit ka ba? Sorry na… Pero lahat ng
sinabi kong yun totoo. Ayoko nang bawiin kasi hindi ko na pwedeng bawiin yun…
Sorry kung nabigla kita pero sana wag naman magbabago yung tingin mo sakin… Huy
Anne… Sorry talaga…” Nako naman Jared, ang wrong timing mo talaga…
Tumayo ako para tignan siya…
“Kanina ka pa tulog?! Anne…” Tinusok tusok
ko na yung pisngi nya pero tulog pa din siya… narinig nya kaya ako kanina? Sana
oo pero sana hindi… hay! Gulo!
ANNE’s
POV
Sa wakas breaktime na!!! Ayoko nang itanong sa kanya kasi mukhang yun
na nga yung nangyari… Nako naman… Sa dinami-dami kasi nang pwedeng tulugan, dun
pa sa park… naman!
“Tara Gelo bili tayo…”
“Ai Anne…” May inabot siya saking papel.
“Ah salamat. Teka nga pala, ano ba kasing nangyari
kagabi?”
“Bakit hindi mo itanong kay Jared?” so mukha ngang
tama yung kutob ko.
“Di bale na lang… parang alam ko na eh… sige, balik na
ko dun…”
“Oo! Pinasan ka niya pauwi! Di ka man lang nag-thankyou…
Bigat bigat mo kaya. Di ka na naawa dun sa tao.”
“Che! Oo na magtha-thankyou na ko mamaya…… Ai! Ano nga
pala to?”
“Love Letter… Para sayo…”
“Oh?
Bakit mo pa ko bibigyan ng letter kung pwede mo namang direct na sabihin sakin.
Yiee… ang sweet talaga ng Baby Gelo ko… ^^”
“Sira!
Galing yan sa secret admirer mo.”
“Huh?!”
“Sabi ko sa secret admirer mo!”
“Weh? Bakit nasayo?”
“Aba!
Malay ko. Bakit hindi mo itanong sa kanya?”
“Secret
admirer nga eh. Pano ko naman malalaman kung sino? Tsaka
pano mo nalamang sakin? Binasa mo noh?”
“Ang dami mong tanong! May pangalan sa labas oh. Tsaka
napagkamalan atang bag mo yung bag ko, sakin nailagay. Bakit kasi bag ko din yang
ginagamit mo?”
“Pano kasi mukhang pambabae yung bag mo! Tsaka nasira
bag ko eh. Anong magagawa mo? Bilhan mo ko kung gusto mo? Ahaha!!! Di mo ba
talaga nakita kung sino nagbigay?”
Backpack kasi yung mga bag niya. Actually ako yung mga pumipili nun
kaya puro may feminine touch pero pang unisex yun.
“May choice pa ba ako sa bag ko kung kayo ni ma ang laging
bumibili? Sa susunod nga ako na bibili ng gamit ko ha! Tsaka hindi ko nga
nakita eh. Kulet nito. Basahin mo na lang kaya para hindi ka na magtanong.”
“Fine!” Di na tuloy ako nakalabas ng classroom. Tinamad
na ko eh… At kanino naman kaya galing to? Wow naman... Nag-abala pa siya…
Naka-origami pa na heart eh.. Di ko napansin agad kanina kasi naunahan ng mga
tanong tungkol sa kagabi. Anyway… may pangalan nga na nakalagay… sosyal!
Naka-lettering! Effort… Eto na binubuksan ko na… Ha! Malalaman ko din kung sino
ka dahil sa handwriting mo… Magaling yata magresearch to… ^^
‘Love at first sight…
That’s how I ended up on liking you…
Now,
it’s definitely not liking you, but rather loving you…’
--GUESS
WHO?--
Naks! Me ganon? Infairness kinilig
talaga ako… First time in my life na makareceive ako ng letter galing sa
admirer… aiyee… Kilig to the bones naman ako. I badly wanted to know him… Haha!
Desperada? Badly talaga noh? Pano ba yan? Baka may pumalit na kay Jared?
Ahaha!!! Chos! Syempre siya pa rin… Sa kanya lang kasi nagkaganito yung puso ko
eh… yak! Cheesy ko!!! ^^ Pero napagtanto kong mahirap siyang ma-trace. Pano ba
naman, computerized yung letter eh. Bonggey! Havey na havey! Mga words ko
talaga… Epekto ‘to ng mga groupmates ko sa camp eh. Nahawa ako masyado sa lingo
nila… haha^^
GUESS WHO? Sino si Mr. GUESS WHO? Anak
ng tofu… eh kung nilagay na lang sana nya yung pangalan nya diba, eh di sana
ako na mismo ang lumapit sa kanya para magthankyou sa sulat nya, i-meet siya at
makipagfriends. There’s nothing wrong there. Dun naman nag-uumpisa ang lahat
ah… sa friendship diba? ^^ nakoo!!! Lumalandi na naman ako… Ahaha!!! Ganito ba
ako kabilis ma-fall? Tsk! Delikado… madali akong masusugatan nito. Gets nyo?
Aiyee… double meaning yan… ^^
Pero, di ba talaga ‘to na wrong send
lang? kasi bakit sa bag pa ni Jared napalagay? Diba? Tsaka di lang naman ako
ang may ‘ANNE’ sa pangalan eh… madami kaya kami sa classroom: Mary Anne (Maan),
Princess Anne (Cess), Louise Anne (L.A), Anne Xyrille (Xyrille), Anne Tonette
(Tonie) at Annessa. Haha! Ako yun! Pero ako ang pinakasikat na ‘Anne’ sa aming
anim, Anne kasi talaga tawag sakin… ^^
Sa susunod, kapag may dumating ulit na
sulat, dun ko na sisimulang i-trace. At uumpisahan ko yun sa pagbabantay ng bag
ni Gelo… ^^
…
…
…
Aba’y Friday na’t wala pa rin akong natatanggap na letter galing kay Mr. GUESS WHO. Hah! Sabi na eh wrong send lang yun eh.
Nailagay na siguro nya yun sa tamang bag ng tamang ‘ANNE’… ahaha…. Umasa pa
naman ako… TT^TT… pero yaan mo na… if not for me, then…. Fine… di talaga para
sakin… dami ko namang lalaki sa buhay eh, daddy ko, Tito Andy, si Gelo ko, yung
makulet na si Zeke, nga pala, san na napadpad yun? Bihira na kasi kaming
magkita nung lokong yun. Miss ko agad. At syempre, walang iba kundi ang mahal
kong si JARED…. Ahahaha!!! OO! Mahal ko siya. Angal? Ahaha… sana lang mahal din
niya ako… hehe… Landi ko talagang bruha ako… ^^
“HOY!!!”
“Ai butiking kalabaw buteteng kabayo!” Tama ba namang
ihampas ng malakas yung mga libro sa desk ko? Problema nitong lalaking to?
“Hoy Miss ANNESSA CLAIRE JAVIER, pati ba naman libro ko
hindi pinatawad niyang admirer mo?”
“Bakit? Hahaha!!!” o.O à ;))))
“Tawa ka jan?
o.O”
“Itsura mo kaya!”
“Ayan na nga! >:}” Nilapag niya yung 2 libro nya sa
desk ko. Anong gagawin ko dito? Oo nga pala, just like what he had said. Sa
libro… baka dito siya nagsulat ng dapat sasabihin nya sakin. But why here?
Obviously it’s Gelo’s… may name kayang nakalagay…
“Sungit nito! XP”
“Ibalik mo sakin
yan mamaya ah. hanapin mo na lang jan. baka kasi may mga naka-ipit pa jan eh.” Ahhh… so
letter nga, dito lang sinuksok… May bag at mga libro naman ako, bakit kaya hindi
dun ilagay? Ahaha! But come to think of it, kung sakin nya ilalagay, maaaring
may makakita sa kanya kasi nasa may bandang gitna ako. At secret admirer nga
siya kaya dapat secret lang siya… ahaha!!! Talino ko talaga! Ahaha!!!Ayos din
technique nito weh… ^^
At binuksan ko na yung libro at finlip bawat pages. At bawat book
isang letter lang ang nakalagay…
Binuksan ko na yung letter… at eto ang mga nakalagay…. ^^
‘Stop searching for someone…
Coz you’ll just end up with no one…’
ABA’Y LOKONG TO AH! PANO NYA NALAMANG ‘IN SEARCH’ AKO?! AKALA KO PA MAN DIN ADMIRER KO?! AT BAKIT PARANG
INIINSULTO PA AKO NITO?!
I-tatapon ko na sana kaya lang hindi sinasadyang nahawi nung pinky
finger ko yung flap. Aba’y may isang tupi pa pala…
‘By the way, I’m NO ONE.’
--GUESS WHO?--
Nah uh… may pagkamahangin din pala ‘to kahit sa sulat… Taas ng
confidence level eh… ^^ Pero infairness, napangiti naman ako dun, napawi yung
inis ko. Quits na…
Binuksan ko yung second letter…
Pano ko nalamang second yun? Eh kasi may number eh… haha!!! Nilagyan
ni Mr. GUESS WHO. Ayos! ^^
‘Do you miss me?
Sorry if I can’t send you a letter everyday…
Coz I’m busy thinkin’ about you night and day… ^^’
--GUESS WHO?--
Woah! He’s some kinda poetic… It’s romantic… It’s windy-rrific! Ang
hangin pa rin kasi nung 2nd letter nya eh… Feeler talaga… ahaha!!!
Feel ko din naman kaya ok lang… haba nang hair ko! ^^ ang swerte ko naman at
sakin na-inlove tong si Mr. GUESS WHO… Kaso hindi ko alam kung maeentertain pa
siya ng puso ko kasi iba na ang laman nito eh… Kaso badtrip eh.. english nang
english. Dinudugo ako!
Pero…
Pero…
It can be a clue…
Wait…
Yung mga letters, nakaipit sa dalawang magkaibang libro…
1st letter- M.A.P.E.H
2nd letter- T.H.E
More clues…
Think…
Think…
Think…
Baka nagpapahiram si Gelo ng book tapos merong nag-iipit dun?
Bakit nya pa pahihirapan yung sarili nyang manghiram if that could
risk his identity? Pero pwede namang may magborrow para sa kanya… Pero mahuhuli
pa din kahit ganun… obvious kasi bakit pa manghihiram ng book eh lahat naman
kami dito may libro at wala naman siyang makokopya sa libro kasi hindi naman
kami sa libro nagsasagot ng activities kundi sa notebook. Eh bakit ba
kino-constrain ko yung utak ko sa ganung idea? Marami pa namang iba eh…
Yeah! I’m talking to my inner self again… ahaha!!! BALIW!
Is it possible that???
…
o.O
O.o
(¬_¬)
M.A.P.E.H, bago mag recess…
T.H.E, bago mag-lunch…
-*_*- yeah right! Sa mga ganitong oras ako dapat magmasid…
bwahaha!!!
In short, uwian na… wala naman masyadong magandang nangyari maliban
dun sa mga letters ni Mr. GUESS WHO na pakipot pa ko pero nagustuhan ko naman…
kinikilig kilig pa nga eh… ^^
Z: “Hey Babe! Oi tol!”
A: “Woi Zeke!”
G: “Tol!”
Z: “Pwede bang mahiram ko muna sayo si Anne?”
G: “Oo naman! Kahit wag mo nang ibalik ayos lang.”
Aba’y loko tong Gelong to ah. Ano ko? Pet? Toy? Toy Pet? >:}
“Hoy Mr. VINCE ANGELO WILSON! Ano nga ulit yung sinabi
mo?”
“Ah… Yun ba? Sabi ko kasi Zeke, wag mo siyang ibalik
nang may anumang galos sa katawan. Dapat safe siya…” Sabay
nag-smirk… Tae talaga to!
Natawa naman bigla si Zeke.
“Oo tol. Hindi ko na siya ibabalik… I mean, hindi ko talaga
ibabalik yan ng may sugat sa katawan. Iingatan ko naman siya eh… ^^”
“Nagjoint force pa kayong dalawa. Batukan ko kaya kayo
nang matauhan kayo?”
Pareho silang nag grin sakin…. Awww…. Badtreep!
“Tara na nga! Ano bang kelangan mo sakin?”
“Wala naman… Tara mall tayo...”
HTML Comment Box is loading comments...
|