IN SEARCH
“Hey Babe! Tawagan na lang kita mamaya about sa nasabi ko sayo kanina ah. Sige pala, una na ko. That bratzy might annoy me again. Masisira talaga battery ng phone ko sa kanya eh… See yah…” Tumakbo na rin siya nun pababa… Bakit ba lahat ng nakikita at nakakasalubong ko ngayon busy? Ako lang yata ang hindi… So I guess, kailangan ko nang umuwi. Ay! Hindi pala… dahil meron pa pala akong sesermunan.
Pagka-uwi ko sa bahay, kina Gelo pala, ayun nga at nag wrestling na naman kami. Pero dahil napa-impress nya talaga ako sa mga sinabi nya kanina, di ko na siya masyadong tinorture. At sinabi ko na rin pala sa kanya that time yung tungkol sa invitation ni Zeke. Pumayag naman siya and guess what happened after nyang pumayag?
Ayun… tinulugan lang naman ako kaya umuwi na rin ako…
Pagkatapos ko magpaalam kay mommy at daddy, pumayag naman sila kasi sabi ko kasama naman si Gelo which is true. Umakyat na ko sa kwarto ko kaagad, tinatamad pa kasi akong kumain. Kakalapag ko pa lang ng gamit ko, may tumawag naman sa CP ko.
“Hello Anne!”
“Hey Zeke!” Si Zeke na nga at wala nang iba…
“Hi there Anne! It’s me!” Nag-iba yung boses…
“Ate Marie Elaine? I mean Ate Mae?”
“Yes. It’s me! So I’ll see you tomorrow. I’m gonna prepare a special dinner and I’m expecting all of you to come. Ok?”
“Uhm… yeah…” Grabe! Ang bilis nya magsalita at no choice ako kundi mag-agree na lang… pag-bigyan na… balik-bayan eh.. tsaka nakakatuwa siyang kasama…
ZEKE’s POV
“Can’t you just wait for a bit bratzy?” Badtrip naman tong kana na to. KANA kasi dun na siya sa America lumaki at hindi na siya ganun kaalam sa culture natin dito.
Kahit kelan talaga ang hilig mang-istorbo. Nakita nang may ginagawa ako eh.
“Make it fast! Just call her! By the way… What’s that cake for?” Oo nga pala, nagbe-bake nga pala ako ngayon para sa bisita namin bukas. At etong ate ko, kanina pa ko kinukulit na tawagan ko na daw si Anne. Excited kasi siya na makita ulit si Anne, palibhasa natutuwa siya sa ugali ni Anne, madalas ko rin kasing naikukwento sa kanya eh. Parang di panganay kung umasta, palibhasa na-spoil nila mommy at daddy.
“Is that for Anne? Are you courting her? Don’t worry bro, I’m gonna help you.”
“MAE! Act your age please… It’s for tomorrow. And I’m not yet courting her.” Dilaan ba naman ako?! Lokong ‘to ah. pa-deport ko kaya to ngayon?! Kidding… Kala ko magagalit sakin kasi medyo nasigawan ko. Akalain mong nag ‘make-face’ at kinuha yung phone ko at kinontak na nga si Anne sabay pasa sakin nung phone. Isip bata talaga… Tsk…
“Hello Anne!”
“Hey Zeke!” Whew…
“Hi there Anne! It’s me!” Tignan mo to?! Tapos biglang aagawin? Bastusan?
Hinayaan ko na silang mag-usap dun para makapag-bake na nga ako.
“Ok. So tomorrow huh?! Byeeii…”
Binaba na nya nang di man lang binibigay sakin para kahit papano man lang naka-usap ko di ba?!
……………………
……………………
……………………
And tomorrow comes…
Sumama si ate sa school… naman… hanggang dito ba naman MAE?!
“Manong, wait me here ok? So Zeke, where’s your room?” Di ko siya pinapansin at nag-patuloy lang ako sa paglalakad. Pinagtitinginan na nga siya ng mga tao dito eh. Ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng naka-skirt, which is usual, at nakabuntot sakin, which is usual too.
Nagagandahan lang siguro sila sa ate ko… Haha! Mana sakin eh… Tsk… XD
Habang naglalakad naman kami sa corridor ng building namen, buti na lang nakasalubong ko si…
“Pre! Kaw na bahala sa utol ko ah. Naiirita na ko eh. Kahapon pa yan. May sasabihin din nga pala yan sayo. Sige, una na ko. Bye.”
JARED’s POV
Tumakbo na si Zeke papasok ng classroom nila at pinabayaan sakin yung ate niya. Kahit kelan talaga tong lalaking to.
“JAaammM!!!!!!!!!” Whoah! Bigla naman siyang yumakap ng mahigpit sakin.
“MAE! Zup?!” Jamm tawag sakin nyan simula pa nung mga bata kami. JAMM as in JAred eMManuel.
“Hey you! Call me ATE ok?! I’m older than you. You’re getting used to just call me by my nickname huh?! That’s rude… tsk tsk…” Older nga, isip bata naman… Psh…
“Sorry ate Mae… ^^ By the way, what brings you here? Why all of a sudden?”
“I just wanna ditch classes… ^^” Ngumiti naman siya sakin. “KIDDING! I just wanna visit you guys. It’s been years since I last seen you.” Sabagay… di kasi siya nakakasama madalas sa pag-uwi dito kapag bumabalik dito sa Pinas sina tito at tita eh.
“I was supposed to be here exactly on your semestral break, but there was a delay on filing my medical leave.” Magtatanong pa sana ako kaya lang… “If you’re gonna ask why I’m here? My doctor told me to relax and this is the best place I could think of.” Nasagot na niya. Sakto namang dumating na rin nun si Anne. Grabe talaga to ang daldal nya pa rin. Di na ko nakasingit sa kanya.
“ANNE!!!” Niyakap niya si Anne. Magkakilala na sila?
“Magkakilala na kayo?”
“Oo, nung pumunta tayo sa mall. Nakita mo nga sila nun eh. Pinakilala siya sakin ni Zeke.”
Nakangiti lang samin nun si Ate Mae. “Ok, I’m here to personally invite you on our house later, about 6pm.” Tumango na lang kami sa kanya nun. At sabay pa talaga. “And don’t worry Anne, Jamm’s gonna fetch you. Coz Zeke’s gonna help me prepare.” Sabay wink sakin.
“Jamm?” Nagtataka na naman siya.
“I mean Jared.” Tinuro nya ako. “Well then, see you later. Bye…^^” nag beso siya kay Anne at sabay naman nag-ring yung bell pagkaalis nya kaya pumasok na rin kami sa room.
Ako susundo sa kanya! Yeah!
ANNE’s POV
As usual tulala na naman ako sa klase. But this time my iniisip ako. Kung ano kaya ang mangyayari mamaya. First time ko kasing pupunta sa bahay ng hindi ko naman kaklase. Tapos kina Zeke pa. Bihira rin ako makapunta sa bahay ng kaklase ko eh. Kadalasan kasi, sa bahay namin o kaya kina Gelo ang punta in case may projects and other school work ang dapat tapusin. Yung kina Zeke, mararating ko na mamaya. Yung kina Jared kaya kelan? Curious lang naman akong makita yung itsura ng mga bahay nila eh. ^^ For sure malaki at maganda yun kasi sobrang yaman talaga ng mga nakatira dun sa subdivision nila eh.
Hindi ko na pahahabain pa.
Umuwi muna kami since 6 pa naman ang usapan atleast may time pa kami para makapag ayos man lang. Si Jared sinabihan ako na pupuntahan niya kami ng mga 5:30. Di ko alam yung papunta kina Zeke kaya ok na rin na sunduin kami ni Jared pero nakakahiya pa rin kasi abala pa yun para sa kanya.
Di naman siguro formal dinner at wala rin naman silang nasabi so I guess yung Capri pants na lang na beige at yung favorite kong pink na t-shirt na may heart na may pakpak na naka-print sa gitna ang susuotin ko. Ready na ko kaya pinuntahan ko na si Gelo.
Papasok na sana ako sa pinto kaya lang may nakita akong note na nakalagay sa pinto.
‘Baby Claire, susunod na lang ako. May inutos kasi si mama sakin. Mauna na kayo ni Jared. ~_^ Hah! Pasalamat ka… You owe me this one… Bwahaha!!!’
Kinuha ko agad yung note para itapon na. Baka may ibang makabasa eh. Loko talaga yung mokong na yun. Siguraduhin mo lang na susunod ka… Nakooo…
Bumalik na rin ako sa bahay namin. May bumusina naman sa tapat ng bahay kaya lumabas ako para tignan kung sino yun.
O__O
>__<
O__O
Owww…
^__^
Shocks! Bakit ang gwapo niya? Oo gwapo talaga siya pero mas gumwapo siya… naka gray siya na bonnet tapos naka cargo shorts then naka salamin siya na may black na frame at naka pink na polo shirt. Hawig nya yung koreanong crush ko sa tv!!! Di ko kilala eh. Pero basta! Hawig nya talaga!!!
“Ready ka na? si Vince?” Nakasandal siya sa may kotse habang hawak yung susi na pinapaikot niya sa daliri niya.
“Ah eh… s-su-susunod na lang daw. May i-inutos ka-kasi si Mama V sa kan-ya.” Talagang na-stun ako sa kanya kaya nauutal ako sa pagsasalita. Masyado siyang gwapo para tignan ko ngayon.
“Ah ganun ba? Tara na?” hindi ako agad nakakilos lalo na nung nginitian niya ko. Ano ba yan?! Bakit ngayon pa ko nagkaganito… nakakahiya!… >_____<
Hindi pa rin ako natitinag sa kinatatayuan ko nun. Kaya lumapit na siya sakin at hinatak ako. binuksan na niya yung pinto sa harapan.
“T-teka… ikaw ang magda-drive?”
“Oo. Wala naman kaming driver eh.”
“May lisensya ka na?”
“Meron. Kaya lang student’s license pa lang.” Ngumiti naman siya sakin. Yung parang nakakalokong ngiti. Bago pa lumabo yung tungkol sa license issue. Di kasi pwedeng magdrive ng kotse kapag student’s license lang unless na may kasama siyang merong may non-pro/ professional license. At sa sitwasyon namin ngayon, obviously kaming dalawa lang, student’s license lang meron siya at ako naman eh walang lisensya, so it’s illegal. At wag na wag kaming papahuli kundi lagot!
“Don’t worry, we’ll be safe. Di naman tayo lalabas ng Cavite at sa Park Place lang naman tayo pupunta.” Tama nga naman Jared kasi more or less 10 minutes away lang naman yun mula samin since may sariling kotse 15 naman kung commute lang. sige, pwede na to. Carry na yan… XD
Sumakay na ko sa harap, siyempre siya sa may driver’s seat.
“Seatbelts.” Dahil natataranta ako kasi nga stunned pa rin ako sa kanya, hindi ko mahanap yung buckle at siya na tuloy yung nag kabit ng seatbelt ko. OMG! Ang lapit ng mukha niya sakin, grabe! sobrang bango nya huh. Ayokong tumingin kasi baka tuluyan na kong hindi makagalaw.
“Uhm… thanks. B-bakit nag dala ka pa ng kotse? Pwede naman tayong mag-commute?” Ngumiti na naman siya sakin. Pwede ba tigilan mo na ang pag ngiti kasi sobrang tunaw na tunaw na ko eh. Ang dami kong tanong… haha!!! Pasalamat nga ako at sinundo ako eh. ^^
“Nagpahatid kasi dito si tita dala yung TV. Nasa pagawaan pa kasi yung kotse nya. Nalimutan nya yata na di pa ko pwede mag-drive pauwi kasi wala akong kasamang pro. ^^” Napahawak siya sa batok niya nung sinabi nya yun. Ang cute nya talaga. GWAPOO!
“Nagsasalamin ka pala? Fashion?”
“Yup! And No. May grado yan.” Tinanggal niya yun at pina-try nya sakin. Di naman sobrang taas pero for safety na rin siguro dahil baka maduling siya habang nasa daan kami. Hehe…
“Eh bakit sa school hindi?”
“Magmumukha akong nerd kaya nag-cocontacts na lang ako.” Ganun pala yun…
So nag start na siyang mag-drive. Sa school cool siya pero kung titignan mo siya ngayon, appropriate sa kanya ang hottie… weee… kilig much!
“First stop.”
HTML Comment Box is loading comments...
|