IN SEARCH
CHAPTER 25-- Recognition Day
Sem-break’s now over at pasukan na.
Usual class goes on. Si Jared pa rin ang katabi ko, wala pa namang new sitting arrangement eh. Si Gelo, ganun pa din, madalas pa rin mang-indian pero ngayon sinasabi na niya sakin yung dahilan. Madalas kapag break kaming tatlo ang magkakasama, kapag na-tsetsempuhan, sina Zeke sumasabay samin. Nakakahiya nga eh, rose among thorns ako. Minsan din naman kasama namin sina Cheska, Andrea at Andrew yung mga close din na mga classmates namin na super active active-an sa org kaya madalas din namang wala. Kapag uwian naman, kasama ko na si Gelo, minsan sumasama din si Jared.
Oh, about what Jared did last sembreak, di naman siya nabaon sa limot. Sadyang iniiwasan ko lang ma-brought up yung topic kasi til now, parang di pa rin ako maka-get over. Normal naman yung approach nya sakin at mas lalo pa nga siyang naging lively eh. It’s just me who thought that, that incident would make us uneasy, pero ako lang talaga nag-isip nun dahil sa ginagawa nya ngayon akala mo hindi nangyari yun…
“Alam mo Anne, ang cute mo.” Nakapangalumbaba siya sa table at nakatitig lang sakin na para bang tinutunaw ako…
“Pwede ba?! Kung mambobola ka na rin lang, wag yung masyadong obvious kasi alam ko na yan eh… Matagal na…” I said that sarcastically, but I’m just joking. But the part na alam kong cute ako, I mean it. EHEM!!!
“Ok then!” Pinicturan naman nya ako gamit yung phone nya. Inis naman yung itsura ko nun habang inaagaw ko yung phone nya.
“Akin na yan! Burahin mo na!!!” Inaagaw ko pa rin sa kanya yung phone.
“Hey! That’s cuter!” Pinicturan nya ulit ako nung nakasimangot ako. Di na nga ako magrereact para di na nya pagdiskitahan yung mukha ko. Masyado nyang trip eh.
Napansin ko naman yung CP chain nya na kaparehas ko. It’s my time para tignan ko yung nakasulat dun, napa-puzzle pa rin kasi ako sa sinabi nya sakin nung gabing hinatid nya ko galing sa so-called date namin eh. Nung hahawakan ko na yung chain…
“Ooops… You think you could sneak a peek?!” Nag-wink siya sakin. “No way!” Para naman siyang batang dumila sakin. Upakan ko kaya ‘to.
“Hoy! Tama na nga yan! Baka langgamin na ko sa inyo nyan eh!” Nalimutan ko na nandun pala sina Gelo. Breaktime namin at sabay sabay kaming kumain. Kung dati-rati 2 lang kami ni Gelo, ngayon dumadami na kami.
Umakyat na kami sa room after ng lunch break. Hinihintay na lang namin mag-bell dahil halos lahat sa classroom wala pa sa mood mag- klase dahil panay hang-over pa sa bakasyon. Maraming teachers ang di pa nagsimula magdiscuss at yung iba naman wala talagang konsiderasyon. Siya lang naman kasi ang kaisa-isang teacher na nag-klase at ang pinaka-masaklap pa dun eh nagpa-assignment pa. walang iba kundi yung teacher namin sa Social Studies. Bad trip talaga siya! Nakakapang-init ng dugo eh. Di lang kasi yun basta assignment. Research paper yun to be submitted before the third periodical exam about ‘The Philippine Economy’s Situation: What Lies Ahead?’ I’m not interested about current events. Hindi ako yung tipo ng tao na mahilig makinig ng balita and it is odd dahil member ako ng school paper diba. Pero yun nga ang dahilan kaya wala ako sa News Section eh.
Kakapasok lang problema na naman ang dala ng teacher na to. Kung magsalita akala mo wala sa first section eh noh? Gusto ko lang naman ipahiwatig na hindi lahat nang nasa first section, masisipag at matatalino. Karamihan din samin, may utak nga pero tamad naman, yung iba hindi ganun katalino pero sadyang masipag, yung iba naman, talagang madiskarte lang… By the way, hindi ko muna dapat problemahin yun ngayon dahil matagal pa yun at ang dapat kong problemahin ay yung ina-announce ngayon ni Ms. Luna…
“So malapit na pala yung Youth Camp. Waivers will be distributed next week and payments should be settle a week before the camp.” Kung tutuusin mas malapit na yung camp kasi sa 23 na yun at ngayon ay November 6. Malapit na kaya?!!!
Hindi naman kami nakauwi agad dahil after ng advisory meeting namin, pinatawag kami sa office para sa mga articles. Dahil nga sa wala pa naman masyadong events na nangyari at mangyayari, ironically, 3 articles ang na-assign naman sakin ngayon, una yung article about carreer pathing. Syempre kailangan ko mag-consult sa guidance counselor para dito. Siguro nga mag-coconduct na lang ulit ako ng interview at i-qu-quote ko na lang dun yung mga important lines na sasabihin nya. Yung pangalawa naman about sa magaganap na camp kasi di yun pwede ibigay sa kasama ko kasi ako yung senior at junior lang siya. Yung pangatlo naman, about sa parating na prom sa February, matagal pa pero kailangan na paghandaan. Baka kasi i-merge ulit yung dapat sanang 3rd and 4th issue kasi yun na yung nangyari sa 1st and 2nd issue. Meron pang ibang mga pinag-usapan, closed-door yung part 2 ng meeting at ang included lang doon ay yung editor-in-chief, assistant EIC, Business manager at yung adviser namin. Buti naman… Makakauwi rin kami ng maaga.
Sina Zeke at Jared, naiwan sa school kasi may practice pa yung mga group nila. Yun ang mahirap kapag na-iinvite ka sa mga events, kailangan mag-practice ng mag-practice. Di tulad namin, hindi naman namin kailangan mag-practice magsulat nang ganyan kadalas dahil na-papractice din naman kami kapag nag-susulat na kami ng article. Buti na nga lang hindi ako yung na-assign sa events nila kasi baka matulala lang ako kakanood sa kanila. Hehe… Pero kasama naman kami sa pupunta sa event para mag jot down ng details.
……
Whew…. Another Tuesday morning at maaga na naman akong pumasok, sino pa bang kasabay kong pumasok? Malamang si Gelo. Himala nga dahil ako pa ang sumundo sa kanya. Naging habit na yata niya ang magpuyat ngayon ah. Di ko nga alam kung ano bang pinagkakaabalahan nito at madalas na siyang ganyan simula nung mga ilang araw bago ko malaman yung tungkol sa contest na sinalihan nya. Siguro nga ito rin yung madalas na dahilan kung bakit lagi siyang nagmamadali at iniiwan ako sa ere. That means possible na mali yung hypothesis noon ni Jared na meron na ulit pinopormahan si Gelo. Hindi naman sa nag-seselos ako dahil nawawalan na ng time yung bestfriend ko para sakin pero kasi sadyang nakakatampo lang… Hehe…
By the way, nandito na kami sa school yun nga lang, parang may kakaiba…
“Baby Clai--, Anne, Anong meron?”
“Di ko rin alam, kakarating lang natin pareho.” Nagtataka naman kami kasi alam ko maaga pa masyado para sa klase pero ang dami nang nakakalat sa school, yun nga lang, hindi mga estudyante at hindi rin mga teachers. Siguro may mangilan-ngilan na teachers ang nakabantay pero karamihan sa mga tao, mga di ko kilala. Naka-uniform sila na may kung anong naka-print sa likod. Naki-usyoso naman kami para makita kung anong kaguluhan ang nangyayari sa gym, at ayun na nga, may mga upuan na doon at may naka set-up na stage.
Di rin naman nag-tagal at dumami na rin ang mga estudyante at nag-ring na nga yung bell. Umakyat na kami nun sa classroom at nagklase. After ng dalawang klase namin at saktong break na nga pinatawag naman lahat ng highschool at pinapunta doon sa gym. May kung anong biglaang recognition daw ang magaganap.
This time News section ang naka-assign. So much work for us Feature Section Editors. Tambak na masyado yung mga trabaho namin. It is not a formal recognition day so there is no particular arrangement ng upuan pero para maayos yung pagpunta sa upuan, ginawa na lang per year and by section. Nasa unahan siyempre ang mga first year first section. At sunod-sunod na yun hanggang fourth year third section. Since nasa bandang likuran nga kami ng mga kaklase namen, nakaupo pala sa likod ko si Zeke…
“Hey Babe! Zup?” I just smiled at him sarcastically. “ ‘To naman ang aga-aga nakasimangot. By the way, my sister wants to see you again. Kailan ka free?”
Di ko masyadong narinig yung sinabi nya kasi nagsasalita na yung speaker. “What?”
“Sabi ko, iniinvite kitang pumunta sa bahay namin kasi gusto kang makita ni Mae. Isama mo si Vince, papapuntahin ko rin si Jared.” Parang may nadagdag dun sa sinabi nya ah. Ngumiti na lang ako at tumango sa kanya. “Sige babe, punta na kami dun.”
Umalis na sina Zeke kasama sina Ralph. San pupunta yung mga yun? Pagtingin ko naman sa dalawang gilid ko, wala na rin pala si Gelo at si Jared. Oh? Nasan na sila?
Narinig ko namang nagsalita yung MC sa stage na isang teacher din. “This Certificate of Appreciation is given to Exodus Band for their exemplary performance on the 11th foundation week of Maranatha Academe last October 28… … …” Madami pang sinabi yung MC. Yun yung school na madalas mag invite sa kanila kasi tuwing may event din doon. Umakyat na rin naman yung banda nina Zeke at syempre, mukha na naman siyang kengkoy dun sa stage kaya nagtawanan naman yung mga estudyante. After magtanggapan ng certificate may dinagdag pa yung MC. “And also for being the champion on the October Fest Grand Battle of the Bands on the same date at Manresa Southridge Montessori.” Lumakas naman yung hiyawan nun ng mga tao. Akalain mo yun?! Kakaiba talaga sila. Napakahusay! Kaya isa sila sa pride ng school namin eh. Mukhang magiging mahigpit ang pag- recruit ng new members kapag grumaduate na kami ah. Si Ken at si Phil na lang kasi ang matitira sa kanila dahil pareho silang incoming seniors next school year.
May sinasabi na ulit yung MC “For having a triple award, Best in Costume, Exceptional Routines, and twice in a row Champion of VXD Dance Mania happened last October 31… Let’s give it up for…” at nakita ko na lang umakyat yung “UpBeat Dance Crew!!!” Umakyat naman silang lahat at ang nag-receive nung award nila ay walang iba kundi si “……MR. JARED EMMANUEL JIMENEZ.” At nagpalakpakan yung mga tao… grabe na talaga to!!! To the highest level na talaga sila…
Nagkaron naman ng maikling intermission number para ipakita nila yung routines nila. Napapikit talaga ako nung tumayo si Jared sa likod ng kasamahan niya, tapos meron siyang sinalo yung paa doon para ihagis pabaliktad at simultaneous naman yung pagkakatalon sa ibabaw niya nung isa pang gumawa rin ng back flip. Tumingin na sakin nun si Jared sabay nag wink. At saktong pagkabagsak nung tumalon sa ibabaw niya, nagsmile muna siya sakin bago siya nag backflip full twist. Napanganga talaga ako, yung puso ko biglang bumilis ang tibok, hindi ko alam kung dahil bas a pag flip nya o dahil sa tinunaw na naman nya ako ng ngiti nya kahit sandali lang yun. Di nga malabong magkaroon sila ng exceptional routine award. After nun, yung video naman nina Zeke nung Battle of the Bands. Di sila makaperform ngayon ng live kasi hindi na-iset up yung instruments kaya video na lang ang ipinakita habang may sini-set up na stand sa ibabaw ng stage tapos may nilagay sila doong board na may nakatakip na putting tela, about 1/8 illustration board yung size nung nilagay nila doon.
Nakakamangha rin pala yung ginawa nina Zeke at yun pala yung mga kantang pina-practice nila nung pinapunta nila ako nun sa music room nila. Yung time na mayroon silang kinantang self-composed song nila?... Swear! Di ko alam yung mga events na yun, ganun na ba ko naging busy para hindi malaman yung mga yun? Nagsalita naman ulit yung MC after nung video.
“And for our individual recognition…” ang dami niyang mga tinawag na pangalan na nanalo sa kung anu-anong outside school competition at ang isa nga sa mga tinawag niya… “And our school’s representative for the Junior Photographer’s Assembly and ________ Photo Mania who garnered the first place among the 20 schools who participated in the event, with an interesting entry who captivated the hearts of the judges…” Pabiro kasing sinabi nung MC yung about sa entry kaya nagtawanan yung mga estudyante. “…entitled… ‘Love at First Sight’…” ang dami namang kinilig… at naghiyawan na mga babae… “No other than… MR. VINCE ANGELO WILSON! Let’s give him a round of applause…” Nagpalakpakan naman yung mga tao… Ako naman napatayo sa kinauupuan ko. Di ko alam na nanalo siya… wala siyang sinasabi sakin…
Umakyat na si Gelo nun sa stage at nung tatanggalin na nung mga nag-aassist dun sa stage yung cover nung board, that I bet his masterpiece, bigla naman siyang tumakbo para pigilan yun.
“Teka! Teka! Sandali lang.” rinig ko yung sinabi nya kasi malakas yung pagkakasabi nya at abot sa range ng mic na hawak nung MC. Nagtawanan na naman yung crowd kasi parang biglang nahiya si Gelo at mukhang nagb-blush na siya dahil sa hiya…
“Ma’am naman… kailangan ba talagang ipakita pa yan?! Baka hindi na ko makababa dito ng buhay pag nakita niya yan…” Nagkakamot na siya ng ulo nya nun na parang nag-aalinlangan na nahihiya na hindi mo maintindihan. Naririnig ko na siya ng mas malinaw kasi lumipat ako sa bandang second row katabi ng mga first year. Gusto ko kasi siyang picturan eh. “Mr. Wilson, you need to be proud of your work.” Pinagsabihan na siya nung MC habang naka-mic pa kaya naman lalong lumakas ang tawanan sa gym sabay may mga estudyante pang humihiyaw ng “TAKE IT OFF!!! TAKE IT OFF!!!” Pulang pula na siya doon sa hiya… ako din natatawa na sa kanya, pinipigilan ko lang, buti na lang hindi nya ko nakikita dito. “Ma’am naman… ikamamatay ko talaga…” Parang iiyak na siya nung sinabi nya yun, pero pabiro lang… Nagtingin-tingin muna siya sa crowd bago nya sabihing…
“Do I have a choice?...”
HTML Comment Box is loading comments...
|