IN SEARCH
CHAPTER 22-- Waah! Ang cute!!! Kunin mo yun please...
“Here!” Napahinto naman kami sa karinderya nun habang palabas na kami ng subdivision. Nagugutom na nga siguro ako. di pa ko nakakapag breakfast at lunch. Kaya walang alinlangan kong nasabi yun. Natawa naman siya sa sinabi ko.
“Sige sa mall na lang tayo. Don’t worry kakain tayo agad when we get there.” Sumunod na lang ako sa kanya. Siya naman manlilibre, siya nagyaya eh… ^^
Wala pang 30 minutes nakarating na rin kami. Malapit lang naman ang Robinson’s sa lugar namin eh. Tama nga ang sinabi nya at sa Kenny Rogers nya agad ako dinala. Pinapili nya ako, dahil yung menu ay mostly chicken dish, actually almost all, sinabi ko na lang sa kanya na kung ano na lang yung sa kanya, yun na din ang sa akin. Nag-padagdag na lang ako ng choco mousse. Kinapalan ko na ang mukha ko since mapilit naman siya.
Dumating naman na yung order and it was satisfying. Siksik, liglig, at umaapaw dahil combo meal. Isang thigh part ng roast chicken, steamed rice, 2 regular side dish and a muffin. Babae nga siguro ako pero malakas pa rin ako kumain. Lalo pag ganito na yung level ng gutom ko.
“Don’t stare at me like that.” Pasubo na sana ako ng isang spoonful ng choco mousse nung napansin kong nakatitig siya sakin.
“Sige kain lang, don’t mind me.” Palibhasa kasi tapos ng kumain. Panong di iintindihin? Sino ba namang hindi maiilang kapag pinapanood kang kumain? Lumingon na lang ako sa ibang direksyon para maisubo na yung last.
After namin kumain, naglibot naman kami kung saan saan. Tinanong nya pa nga ako kung gusto ko daw ba magtingin tingin ng mga damit. He hesitated at first kasi parang hindi nya rin feel yun, eh since may kasama siyang babae, inisip nya siguro na yun yung magandang i-alok. Umayaw naman ako, bukod kasi sa wala naman akong dalang pambili, hindi ko naman hilig yun.
Nag tom’s world na lang kami. Mas nag enjoy pa nga ako dun eh. He bought 20 tokens. Kalahati nun naubos namin sa basketball. Magaling din pala siya dun. Ang dami na ngang ticket ang lumabas eh. Nakakatuwa! Napagod talaga kami dun kaya yung next na nilaro namin, mild naman, yung pinupukpok ng toy hammer yung ulo ng crocodiles. Grabe! Nakakalaki ng muscles sa braso! 5 tokens pa yung natitira at exhausted na kami. Kaya dun na lang kami sa kuhanan ng stuffed toy. Namili muna kami ng crane na mayroong mas magandang position ng toy para mas madaling kunin. Na-tsempuhan naman namin yung isa doon na may cute na stuffed toy ni Piglet.
“Anne! Gusto mo yun?”
“Waah! Ang cute!!! Kunin mo yun please…” Ang landi ko naman. Nag-puppy eyes pa ko sa kanya. Haha!!! Ang cute naman kasi talaga tsaka ok din kasi medyo malaki. Mga isa’t kalahating dangkal ko. ^^
“I’ll get it for you. Watch.” Whew! Nakaramdam ako ng mejo malakas na ihip ng hangin dito ah. XD
First try, malapit na… Nabitawan pa! “Oh shoot!”
Second try, “The heck!” Nag-iba kasi yung position kaya naubusan siya ng time para kunin yung piglet.
Third try, “Come on! Please!” Mejo mainit na yung ulo nya kasi naman sa tainga lang nakakapit yung crane.
Fourth try, “Anne, pag hindi ko to nakuha, favor naman…”
“Ano yun?”
“Pabili pa ng last three tokens. I won’t stop till I get this for you. I promised right?!” Di naman talaga niya directly na sinabing promise yun pero sabi ko gusto ko yun at sabi niya kukunin nya for me.
Nagbigay naman siya ng pambili sakin, no big deal kahit utusan nya ko. It’s a favor, not a command. At yun na nga! Fourth try…
“Man! Konti na lang eh!” Mukhang mejo yamot na siya. But he still managed to stay calm. Sa tagal nga namin dun, ang dami nang nanonood sa kanya. Ang cute kasi nya tignan, masyadong concentrated. Yung iba ngang mga babae dun pinipicturan na siya eh. Hindi nya napapansin kasi busy siya. Ako naman natatawa lang. Lumingon naman siya sakin para i-signal na bumili na ko. Last token na kasi yung gagamitin nya ngayon at kailangan na ng reserba.
“Miss, boyfriend mo yun? Nakakatuwa naman siya. Talagang gusto niyang kunin yung piglet para sayo. Kung ako sayo, mag pabili ka na lang, may mas maganda pa. But that’s sweet! Effort!” May babae naman na lumapit sakin, may kasama siyang lalaki tapos magka-link sila ng arms. Boyfriend nya yata yun at kinausap ako. Nasa college na yata sila kasi mukhang mas matanda sakin eh. Pinaparinggan nya yata yung boyfriend nya eh kasi yung pagkasabi nya ng ‘Effort’ may diin. Katuwa naman sila. ^^ Bakit nga ba hindi na lang ako magpabili? Teka, hindi ko naman siya boyfriend ah?!
Sasagot naman sana ko sa sinabi nung babae at para na rin i-correct siya kaya lang nginitian nya na ko sabay umalis na rin sila. Talaga nga naman… may bibilhin nga pala ako. paalis na ko sa bilihan ng tokens nang may biglang sumigaw ng malakas at nag palakpakan na mga tao.
Papunta na ko sa may crane nun kaso ang daming taong nakapaligid. Di ko na nga makita si Jared eh. Natabunan na. Tumingkayad naman ako at tiningala ko yung ulo ko para makita siya. Maliit kasi ako pasensya na… ^^ Pagtingin ko naman, may nakita akong pink na stuffed toy na parang winawagayway. Nag-excuse naman ako sa mga tao dun para makadaan ako.
“ANNE!!!”
Nagsi-lingunan naman sakin yung mga tao nun tapos nag-give way sakin. Pag tingin ko sa direksyon ko. Si Jared…
Alam ko nakita ko siyang nakatayo nun. Ngiting ngiti na akala mo eh walang bukas. Yung ngiting yun ang pinaka gusto ko sa kanya. It’s genuine and it melts my heart. Then unti-unti siyang naglakad papunta sa direksyon ko. Lumuhod siya sa harap ko…
“Anne, this is my promise…” Inabot niya sakin si Piglet. Di ko alam kung nagblush ba ako nun, yung mga tao sa paligid ko sabay sabay na nag ‘aiyeee’. It’s embarrassing but flattering…
Yung pagtingin ba sakin ni Jared ay tulad ba o higit pa sa pagtingin ko sa kanya?

HTML Comment Box is loading comments...
|