IN SEARCH
CHAPTER 19 -- I Can’t Breathe…
Nakakahiya! Buti na lang at walang nakakita. Lumuhod lang ako at pinagpag ko yung blouse ko. Naglalakad na nga lang nasusubsob pa. Ang lampa ko talaga!
“Ahem!” May nakakita pala sakin?!!
“Anong ginagawa mo dito?” nakalingon na ako kay Jared nun. Nakaupo siya sa sahig. Ako, nasa harap niya at nakaluhod pa rin patagilid sa kanya.
“Hinihintay ka. Baka kailangan mo kasi ng company, alam kong iniwan ka na naman ng bestfriend mo eh.” Galing nga siya sa practice kasi ibang shirt na yung suot niya, yung printed black shirt na ginamit namin nung parade sa intrams last year tapos naka cargo pants siya na color beige at dala niya yung bag nyang pampractice.
“Bakit hindi ka pumasok sa loob?”
“Baka ma-distract ko pa yung practice nila eh. Teka, Anne.”
“Why?”
“Ah! Ang bigat mo!” Tinignan ko siya ng masama. Anong problema nito? Na-conscious tuloy ako bigla. “Hindi, joke lang. Magaan ka pala. Kaso… ah yung… yung… YUNG PAA KOO!.”
“Sorry sorry…” Nakaluhod pala ako sa sapatos nya. Kaya pala bulky yung pinagluluhuran ko eh. Tumayo na din ako kaagad. Inalalayan ko naman siya sa pagtayo niya. Mukha kasing nasaktan talaga siya.
“Di ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo eh.” Nanermon pa nga. Pero hindi naman siya galit. Alam ko namang nagbibiro lang siya nun.
“Eh bakit ka kasi nanjan?” binara ko naman siya. Nakapamewang na ko nun.
“Nagsintas lang ako ng sapatos ko. Masama?”
“Hindi! May sinabi ba ko?” Tinaas ko naman yung kilay ko.
“Wala! Tara na nga! Akin na yang gamit mo.” Improvement nga naman talaga at nagtatalo na kami ngayon. Petty quarrel lang naman.
“Akbay na.”
“Para san?”
“Gusto mong mag-pagulong gulong jan sa hagdan?”
“Ayoko.”
“Kaya gawin mo na at wag ka na mag-inarte. Akin na nga pala yang bag ko.”
“Ako na magdadala. Sige na papayag na kong alalayan mo ko.” Umakbay na nga siya sakin pero dala nya pa din yung bag ko at yung bag nya. Bahala na siya. Ayaw nyang papilit eh.
Hinatid nga nya ko samin. Di na ko tumanggi kasi wala rin naman akong kasabay. Mejo iika-ika nga yung lakad nya. Na-dislocate ko yata yung buto sa mga daliri nya sa paa.
Sa awa ko naman sa kanya at siya na nga yung nagmagandang loob na ihatid ako, niyaya ko na siyang mag-side car. Balak pa ngang maglakad hirap na nga siya. Ganun ba talaga ako kabigat?
Bumaba na kami ng side car at siya na ang nag-bayad para samin. Nagiging hobby na nga yata nya ang paghahatid sakin. Napakagandang hobby naman nun?… tsk tsk… Nasa tapat naman na kami ng bahay nun.
“Anne.” Humawak siya sa dalawang balikat ko. Sinabit niya yung strap ng bag ko sa balikat ko sabay nag wink sakin. Then tumakbo na siya paalis. Ano yun?
“Pinulikat lang ako! But thanks anyway. Don’t worry you’re not HEAVY!!!” Sinigaw nya yun. Kaya pala nangingiti siya habang naglalakad kami at nakaakbay siya sakin kanina akala ko naman kinikilig? Haha! Pantasya ko na naman. Namula naman ako siguro sa hiya bigla kasing nag-init yung pisngi ko. Di naman kasi talaga ako ganun kabigat sinigaw nya pa. -^.^-
Pumasok na ko sa bahay. Naalala ko na naman yung mga atraso sakin ni Gelo. Wala nga siguro ako sa mood makita siya ngayon kaya hindi muna ako pupunta sa kanila. Ano pang sense nun kung di rin naman siya magsasabi sakin ng totoo at maglilihim din naman siya sakin. Hahayaan ko na nga siguro muna siya tutal yun din naman siguro ang gusto niya.
…………
Nagtataka na nga si mommy kung bakit hindi na raw ako nagpupunta kina Gelo. Dati kasi halos araw-araw pumupunta ako sa kanila and vice versa. Kulang na nga lang eh dun ako tumira sa kanila. Sabi ko naman masyado kaming busy sa mga requirements sa school paper tsaka nagrereview din kami para sa exams. Lusot naman ako dun. Alam kasi ni mommy na kapag magkasama kami ni Gelo, madalas nag-kukulitan lang kami kaya wala kaming nararating sa ‘pair-study’ namin, pair, kasi dalawa lang naman kami kaya hindi group. ^^
Isang linggo na lang at 2nd periodicals na. Last day naman na ngayon ng meetings and practices ng bawat orgs. Dito sa school namin, masanay ka na kapag malapit na ang exam. Kasi kahit gaano ka-urgent yang org activity mo, i-popostpone yan kapag malapit na ang exam. Kahit kasi active itong school sa mga extra-curriculars, priority pa rin nila ang academics.
Ang bilis talaga ng oras… Lahat ng mga estudyante halatang nag-ka-cram. Uso naman siguro ang review sa bahay diba? Makapagreact kala mo di ako ganun eh noh? Haha!!! But not most of the time nag-ca-cram ako. Minsan kasi mas madalas kong nalilimutan kapag ganun. Siguro nag-i-scan lang ako ng notes. Lagi naman kasi akong may dala nun para di ko na bitbit yung mga libro ko at purse lang ang dala ko. At yun na nga ang view ngayon dito sa corridor. Kanya-kanyang pwesto, merong nasa isang sulok at nakapikit na nagmememorize, merong nakikinig ng music habang salitan na tumitingin sa kisame at sa libro, meron namang maingay na nagbabasa sa may hagdan, iba-ibang style, makapag-last minute review lang.
Dumating na nga yung teacher at nag-umpisa na kami. First day kaya English, Physics, at Values muna ang exam. Madali lang yung English kaya ang bilis kong natapos. Yung Physics naman, syempre puro formula and computation, nahirapan din naman ako dun. Meron kasi akong nalimutang formula kaya natagalan bago ko pa naalala. Buti na nga lang at naalala ko pa, bigla kasing narinig kong nag-rerecite ng pabulong yung kaklase ko sa likuran ko ng mga formulas, feeling ko may inaalala din siyang nakalimutan nya. Dahil meron nga akong hindi narinig sa mga binulong nya, ako naman ang nagrecite kunwari pabulong. “Kinetic Energy is equal to one half MV squared.” Narinig ko naman siyang bumulong ng “Thanks.”.
Let’s say na yun yung way ko to say thank you. Kung di dahil sa kanya di ko sana nasagutan yung isang problem. Narinig yata kami nun ni Jared kaya napatingin siya sakin tapos nginitian nya ko. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Bumalik na ulit yung tingin nya sa papel nya na hindi pa rin natatanggal yung ngiti nya. Ako naman, feeling ko na-stun na naman ako. Di ko pala dapat siya tinitignan, baka lalo akong makalimot sa pinag-aralan ko. Binigyan lang kami ng 20 minutes break para bumili lang ng snack then nagresume na ulit kami. Values yung last kaya petix na lang. Puro common sense lang naman kasi yun at kaunting saulo sa mga Bible Verses. Half day lang kaya nung uwian na, nagreview naman na ako pagdating sa bahay.
Nakaraos din naman kami sa 3 araw na exam. Simula na ng 3rd grading. Di pa pala dito nagtatapos ang kalbaryo namin dahil entrance exam na namin ni Gelo sa Sabado. Ang tagal ko na talagang hindi nakakapunta sa kanila. Namimiss ko na nga siya eh. Panigurado di na naman yun makakapasok ngayon kasi nga katatapos lang ng exam. Alam mo naman yung sakit nun… ^^ at nag dilang anghel nga ako.
Just a normal day. Walang exciting na nangyari bukod sa pagsasamantala ng mga org na magpa-meeting. Ngayon lang na-release yung first issue ng school paper. Remember nung napagalitan kami? Sobrang late na nga kasi yung issue, one week na yung nakalipas simula nung araw na yun di pa rin pala na-uumpisahan yung printing kesyo may aberyang nangyari, naubusan ng supply ng ganito ganyan… at pina-cancel na nga. Ang sabi nung business manager at nung editor-in-chief namin, i-combine na lang yung issue nung first at ngayong second quarter. Maaga namang natapos yung articles kaya maagang na-publish at ngayong araw nga na to ang release.
Hindi ko pa nakikita yun kaya hindi ko alam kung sinama pa ba yung interview ko nung Youth Jam. Papunta na kong office para dalhin dun yung mga bitbit ko at para kumuha na rin ng copy nung issue, nang biglang may tumawag sakin. Di ko naman nasagot agad kasi ang laki nung dala-dala kong box na yakap yakap ko na. Puro mga papel yun, mga luma at gamit na papel na kinokolekta namin, isa yun sa fund raising project namin para makadagdag sa fund ng org. Malayu-layo pa yung lalakarin ko. Tumakbo na ko nung nag-ring ulit. Di ko na naabutan yung tawag. Nung tinignan ko naman… “Himala! Tumawag ang mokong?!” Kaka-exit ko pa lang sa Call Log, may nagtext naman. Si Gelo…
Di na ko nagdalawang isip. Tumakbo na ko agad pababa ng building. Di ko na nakuha yung bag ko na nasa ibabaw ng mesa ng office. Wala namang mawawala dun dahil notebook at pencil case lang ang nandun. Di ko alam kung bakit, ang lakas na ng tibok ng puso ko. Kinakabahan na nga ako. Di ko alam kung ano nang nangyayari sa bestfriend ko. Alam ko may sakit siya kaya hindi siya nakapasok. ‘Lord wag nyo pong pababayaan si Gelo.’ Nag whispher ako ng short prayer habang nasa side car. Naluluha na ko nun kasi natataranta na ko. Matagal akong hindi nakadalaw sa kanya. Di ko alam kung may problema ba siya o ano. Too much depression kaya nagkasakit? Mukha namang ok siya kapag nasa school. Sanay naman din akong absent siya after ng exam kasi alam ko nagkakasakit talaga siya. Pero iba yung ngayon kasi dalawang beses siyang tumawag tapos nag-text pa siya…
‘Anne! HELP! I can’t breathe…’.

HTML Comment Box is loading comments...
|