In Search
“Annessa Claire!!!” May tumatawag sakin from afar… familiar voice… boses na gustong gusto ko marinig na tinatawag ako, boses na hindi ko maexplain kung bakit pero masaya ang nararamdaman ko. Lumingon ako pero wala naman akong nakita…
“Teka! May sasabihin ako sayo…” hinihingal yung boses, nung namalayan ko, nasa likod ko na pala siya. Nararamdaman ko sa batok ko yung bawat paghinga nya. Kilala ko to… hindi pa rin ako humaharap sa kanya nun. Humawak siya sa dalawang balikat ko, nakatalikod pa rin ako sa kanya nun, parang istatwang napako sa kinatatayuan ko nung mga oras na yun, nagulat na lang ako nung bigla siyang yumakap sakin at pinatong yung baba niya sa balikat ko. Naririnig ko pa rin ang bawat paghinga nya, nararamdaman ko na ang bawat pagtibok ng puso nya. Mabilis… bumibilis… at lalong bumilis nung sinabi nyang…
“I-I like YOU! Ms. Javier please be my girlfr--…”
“YES! Yes…” Paulit ulit ko pa ring naririnig yung “Ms. Javier… Ms. Javier… please…”
“Ms. Javier! Please answer my question.” Pop pop pop… isa isang pumutok yung dream bubbles ko…
‘’Ui Anne, tinatanong ka ni ma’am. ‘’ Siniko ako ni Gelo.
‘’Sorry ma’am. Come again...’’ Awww… Deadz na naman ako nito…
‘’Annessa, don’t tell me nagde-daydream ka na naman sa class ko? Alam kong matalino ka but you should still pay attention to what I’m discussing. So what is Snell’s Law all about?’’ Ma’am naman… wrong timing… nasa climax na ko ooh… bibitinin pa… Sa totoong buhay nga hanggang panaginip na lang pati pangarap din ba hanggang dun na lang?
‘’Uhmmmm… It’s ahh… Lagot nakalimutan ko pa ata.’’ Sinipa niya naman ng mahina yung paa ko tapos sumenyas… Kinuha niya yung lapis niya tsaka yunglalagyanan nya ng tubig tapos kunwaring nilubog nya yung lapis nya dun sa lalagyan. Ah! Naalala ko na! yan yung activity na ginawa namen noon.
‘’Ma’am, it relates the two media’s indices of refraction and the angles of incidence and refraction. It is to understand how bending happens in refraction just like what you see when you deep half of the pencil in the water….’’ And so on and so forth… at nagdiscuss na nga ako sa klase. As usual, after kong magrecite, nagpalakpakan na naman ang buong klase. What’s new? Sanay na ‘ko sa ganun. Lagi naman eh. Hindi naman sa nagyayabang pero ako kasi ang lagi nilang sinasangkalan pag physics and algebra. Palibhasa kasi, simula first year, ako ang laging highest sa kahit anong math and science subjects namin eeh... ^^
‘’Very Good!’’ And that’s all she can say…Nag ring bigla yung bell… OK! Isang subject na lang bago mag break.
‘’Ok class… For your assignment, answer page 97 to be passed on Monday on aone whole sheet of pad paper.’’Assignment na naman? Kelan ba ‘to mauubusan ng ipagagawa?
‘’Sino na naman ba kasi yang iniisip mo? Wag kang mag-alala, mahal ka nun. XD‘‘
‘’Huh?! Anong pinagsasabi mo jan? at sino namang iisipin ko?’’Bigla akong napatingin sa may pinto… Nakita ko siya! >.< aiyee…
‘’Huy! Natutulala ka na naman jan?! sino na naman yan?’’
Teka, si Gelo nga pala, Vince Angelo Wilson, bestfriend ko ever since the world began… Magkapit bahay kasi kami and bestfriends yung parents namin since college, kaya ayan, kung san kami, dun din sila and vice versa. Magka sosyo din nga yung parents namin sa business eeh, computer shop. Si mommy and si Tita Vanessa yung nagmamanage since both silang housewives. By the way, ayun na nga, matangkad siya. As in! super! Parang poste. Kapag pinagtabi nga kami, parang yung index finger at pinky finger lang. Gwapo din daw siya. Sabi nya…
‘’Huy! Tulala!’’Hinampas naman nya ‘ko ngayon.
‘’Aray ko naman! Kanina ka pa…’’
‘’Sorry… Kanina ka pa kasi nakatitig sa may pinto. Wala na siya jan… Ayun oh! Nakaupo na.‘‘
Nagshift ako ng tingin. Kararating lang tulog na naman. Di na nga nakapasok ng first subject eeh... tsk tsk... Hai nako… puyat na naman kakapractice…
Nandyan na pala yung teacher…
‘’Mr. Jimenez, how many times should I have to tell you to don’t exhaust yourself on your practice? That’s not the only thing you should do. Ok?’’
‘’Sorry po ma’am.’’
Siya nga pala si Jared Emmanuel Jimenez, UpBeat Dance Club President, and yes! Siya nga yung iniimagine at tinititigan ko kanina pa. obvious ba? Crush ko eeh. XD Bukod kasi sa sobrang sikat niya sa mga kababaihan dito, napakagaling din niyang sumayaw. Obviously, kaya nga siya naging president eeh, responsible pati din siya and super committed din siya sa club niya. Another reason kung bakit talaga siya popular dito sa school ay dahil former lead guitarist siya ng Exodus Band, official band ng Unida Christian Academy na tinitilian ng buong school every time na magpeperform sila mapa Christian songs man o contemporary songs. I don’t know the real reason kung bakit siya nag quit, all I know is best friend niya yung drummer nun, si Zeke.
<Riiiiiing!!!!!>
Yeah! Recess na! My favorite subject... By the way, I forgot to introduce myself. Ako nga pala si Annessa Claire Javier, 15 years old, 4th year highschool dito sa UCA. Yung name ko, galing sa pangalan ng mom ko (Annabelle) and mom ni Gelo (Vanessa). Yung Claire naman,pangalan daw yun nung nurse ko, may maidugtong lang, gusto kasi ni mommy ng 2 name eeh. ^^
Isang typical highschool girl. I’m not a dork, I’m just grade conscious. Di rin naman ako competitive, I just go with the flow. Nasa first section ako, cream of the crop kung tawagin nila. Halos lahat samin ay affiliated to 2 or more organizations, ako nga lang ata ang hindi. Kung di pa nga ako ni-recommend ni Ms. Cruz, English teacher namin, sa editor-in-chief ng school paper namin, wala sana akong org ngayon.
Di na nadagdagan yung affiliations ko since first year pero ok lang, dahil ayoko rin namin masyadong magpaka busy, ngayon pang medyo nadagdagan yung trabaho ko at naging Feature Section Editor ako. Parang news section din pero hindi masyadong pormal ang approach. Matrabaho rin kasi events such as concerts, school programs, competition and whatsoever ang dapat puntahan tapos yung approach pa ng pagsulat, dapat hindi boring, that once the reader read my article, kelangan, BOOM! Tsaka title pa lang dapat kahatak hatak na ng readers. Kaya mostly pag lively yung event, kami yung pinapadala, pag tipong mga seminars, in short, boring eeh mga nasa news section yung nandun.
What else would you like to know about me? Mahilig ako sa boys… as in! but not in a way you’re thinking right now… I guess it’s because I wanted to have a brother, older or younger but preferrably older. Only child lang kasi ako and siguro dahil na rin sa may bestfriend nga akong guy at halos sabay na din naman kaming lumaki. Basta gusto ko kasi yung feeling na secured and I am feeling it whenever I’m with my dad or Gelo. Tsaka mas mabilis akong maka-close sa mga guys eeh… di ko alam kung bakit.
Nandito na kami ngayon sa canteen.
‘’Ano? Nakipagcoordinate ka na ba…’’Napahinto siya sandali parang nagdodoubt kung itutuloy nya pa yung sinasabi nya. ‘’ …kay Leah? Diba yung org nila ngayonang maghahandle ng Youth Jam? Next week na yun.’’
‘’Ui! Si Nathan yun diba?! Sayang, 2nd year pa lang…’’Napansin kong tumingin na naman siya ng masama sakin… ‘’Chill… Ang cute nya eeh… May magagawa ba ko? ~_^ Ok, back to the topic…’’
‘’Nakipag ccordinate? Hindi pa nga eeh. Patulong naman oh. Please… Close naman kayo eeh… ;)’’
‘’Nang-aasar ka ba? I don’t even want to see her face! She’s such a flirt!’’
‘’Awww…. Bitter? Favor lang naman eeh…‘‘
‘‘Mukha mo?!‘‘Tinignan niya lang ko ng masama
‘‘Fine! Sabi ko nga ako na lang eeh...‘‘Then he smiled, yung ngiting nakakaloko... Kelangan talaga fino-flaunt yung dimples? Kainis talaga ‘to!
Sabagay, hindi ko rin naman siya masisisi kung til now bitter pa rin siya kay Leah. Kakabreak lang kasi nila, kahapon. Monday na Monday walang ginawa kundi magmukmok after makipagbreak. Mahal niya eeh, kaya lang niloloko siya. 2 days lang ang nakalipas akala mo walang nangyari. Tsk… Ilang beses na kasing may nakakapagsabi sa kanya na nakikipag flirt si Leah sa mga lalaki. Hinahayaan lang naman nya kasi baka naman rumors lang yun.
Madami kasing babae ang naiinggit kay Leah marami rin namang lalaki ang naiinggit kay Gelo. Kung titignan mo kasi sila, based sa physical aspects, whatta perfect match! Mukhang ramp model si Leah, si Gelo naman, rank 1 sa Mr. Pop-U pagdating sa looks. Besides, hindi rin naman siya mapaghinala, pero tinuluyan na nya nung kami na mismo ang nakakita.
Leah kissed Zeke on the lips! Smack lang pero HELLO!!! May boyfriend kaya siya. Kahit pa sabihin mong ginawa nya lang yun para i-congratulate siya sapagkapanalo nila sa Battle of the Bands, mali pa rin yun. At sa dinami-dami, bakit si Zeke pa? buti na lang hindi nagalit si Gelo kay Zeke, kasi nakita naminyung reaction niya, parang ganito oh: “Leah, ano ba?! Pwede ba?! I don’t like you! Iba ang gusto ko?!”then he walked out. Pranka talaga si Zeke, I know him kahit papano kasi we became friends since 3rd year.
Umorder na kami ng food. Naunang bumalik si Gelo sa table namin. Tamang tama pumila si Leah at doon ko na siya kinausap tungkol sa gagawin naming pag-cover sa Youth Jam. Pumayag din naman siya at binigyan pa nga ako ng exclusive ID para kahit sa backstage, makapasok kami.
Pagkatapos naming kumain, tumambay muna kami sa may kubo malapit sa gym. Guess what kung sino ang nakita ko dun ? Bwahaha.... Si Jared kasama yung iba nyang ka-crew sa gym. Nagsho-showdown sila! Angas nya talaga pag sumasayaw… Ibang-iba talaga siya pag nasa labas… I mean… He’s so HOT! Iba kasi siya pag sa classroom eeh, COLD... o baka sakin lang? What’s wrong? Pero dati pa yun... improving naman eh. Ah basta! Kinikilig na naman ako… haha!!! ^^
‘‘Aray ko naman!‘‘
‘‘Ai, Sorry... Ayun kasi sila oh... XD‘‘
‘‘Alam ko. Bakit ka ba ganyan kiligin? Masyado kang brutal. Kelangan talaga may hampas?’’Aba! At kelan pa siya natutong magtaas ng kilay? Tapos biglang ngiti? Adik?!
‘‘To naman… Di ka na nasanay… Tara na nga! XD’’
Bumalik na kami sa classroom. As usual, natapos na naman ang isang ordinaryong araw na puro pagmamasid at pagtitig lang ang ginawa ko sa mga crush ko. ^^
…………
Days had passed and Friday na, YOUTH JAM na! Cut ang classes pagdating ng 2:00 para sa preparation ng bawat org sa mga naka-assign na gagawin nila, kami naman, nag set-up na ng camera sa gitna kung saan nakapwesto yung mga audience, sa may aisle, yung parang naka- high chair yung camera man., simpleng video cam lang naman ang gamit. Ako naman, pumunta na sa backstage kasama si Gelo, siya kasi yung photographer namin eeh, siya na rin yung magvivideo ng interview ko sa mga organizers and performers.
‘’Anong oras ba ‘to exactly mag-i-start? Dapat matapos natin ‘to agad para makanuod tayo ng maayos.’’
‘’Dapat lang noh! Gusto ko kayang panuorin ‘to ng buong buo. Last year kasi ‘di ako naka attend di ba?’’
‘’Bakit nga pala hin--...’’Bigla siyang napahinto sa pagsasalita.
‘’Hey Anne ! Nakapag-interview na ba kayo ?‘‘ Kaya naman pala... Si Leah... Tsk tsk tsk... XD
‘‘Hindi pa nga eeh. Kakatapos lang namin mag-ayos.‘‘
‘‘Ahh ganun ba?... Oh, eto na pala sila eeh...‘‘
Paglingon ko, yung grupo nina Jared yung nakita ko,. Himala at di sila busy sa practice at napagbigyan nila yung invitation? Syempre, napatitig naman ako. Kahit kasi classmate ko siya at medyo nakakapag-usap kami, iba pa rin ang dating nya kapag naka-costume na at sumasayaw. Ang lakas talaga ng appeal nya. Pero sa ngayon, duty muna ang dapat kong atupigin, tsaka na yang crush crush na yan.
‘’Excuse me, Jared, pwede ko ba kayong maistorbo sandali? Iinterviewhin ko lang kayo…‘‘
‘’Oh sure! Galang mo naman masyado. Classmates naman tayo eeh.’’
Whoah! Anong nakain nito at ganito ang approach nya sakin? Ganito ba katagal ang adjustment period nya? August na, magdadalawang taon ko na siyang kaklase pero this is the first time na inapproach nya ako ng ganito. Ay mali! Rephrase… Siya ang naunang nag approach na parang dabarkads kami, well atleast except ulit nung 3rd year prom. Nothing special, but for me, there is. Dati, saktong batian lang o kaya naman tanungan, kala ko nga starting nung prom magiging super close na kami pero medyo close na din naman kami, kaya nga kahit papano may alam ako sa kanya. Saktong relationship lang ng magkaklase… ganun… nanibago lang siguro ako ngayon o baka kung anu-ano na namang tumatakbo sa isip ko na kahit ako, di ko mawari. Alam ko magulo. Basta, dami kasi nangyayari na minsan nagpapansinan kami, minsan hindi. Minsan parang tropa at minsan, parang total strangers.
Anyways… Ang cute nya talaga mag-smile… Daig nya pa yung mga endorser ng toothpaste sa mga commercial… Killer smile kung killer smile talaga. Pati mata nya nawawala pag nag-i-smile, palibhasa may pagka-chinito. Pati yung dimples ang lalim… PERFECT! ^^ As usual, yung tingin sakin ni Gelo halatang may ibig sabihin… Talaga naman…
Natapos na yung interview…
‘’Game! Picture taking naman. Anne, dapat sa tabi ka ni Jared, siya yung president diba?’’
Nginitian ko lang si Gelo, masyado naman ‘tong masunurin, parang nagjojoke lang naman ako kanina eeh. Pero pwede na rin… XD
‘’1…2…3… SMILE!’’What the?! Ano ‘to? OMG!!! I’m blushing… -^.^-
HTML Comment Box is loading comments...
|